Almost two years na nakachat ko ang ex-schoolmate ko. It started with just a casual kamustahan. Katagalan, naisip ko baka pwede siyang maging bf. Well, I’d been single for 7 years that time and he came when I really decided to let go of my ex and to entertain new opportunities. Casual talks, kwento about sa trabaho, bout sa everyday na nangyayari sa aming dalawa. On and off ang pag-uusap namin dahil seaman siya. Dumating din sa punto na tinatanong ko siya kung kelan siya uli magkakaroon ng internet since that time, pag nakadaong lang siya nagkakanet. Naging gawi na namin un. Minsan nagbibiruan kami na baka pwede kami pero wala talagang concrete na usapan bout that. So, naisip ko na hanggang ganun lang talaga un.
Nakailang uwi siya dito sa Pinas, napag-uusapan na magkita pero hindi naman talaga natutuloy. Until last year, he seemed serious sa pag-aya niya, na magkita naman daw kami, I refused kasi 9pm na un and alam ko hindi rin ako papayagan (well, strict ang parents), not knowing na for isolation na pala siya kinabukasan dahil aalis na uli siya.
Fast forward February 2021, something happened to me. I got heart broken and he was there to give advices, jokes etc and those made me feel better. But habang tumatagal, napapansin ko nag-iiba ang way ng pakikipag-usap niya. Lagi niyang sinasabi na pag-uwi niya dito, “iistorbohin” niya daw ako. Gagala daw kami sa kung saan-saan. Ayoko bigyan ng meaning kasi nga natural na sa amin ang mga biruan pero never naman talaga siyang umamin.
Until, he admitted na gusto na niya akong ligawan. I refused at first pero dahil pinaramdam niya na seryoso siya at naging consistent naman siya, nahulog na ko ng tuluyan. Parang kami pero hindi official na kami dahil may condition pa kong gustong gawin niya sana –at un ay ang magpakilala sa mga magulang ko. He said, he will. I discouraged him, pero he insisted of doing so. And so, I trusted him.
We were just waiting na makauwi siya ng Pinas at matapos ang quarantine niya. But we had a fight. Aminado ako, topakin ako, “toyo” kung tawagin niya. Pero hindi niya pinapatulan yun and I admired him more for that. Pero ung huli, napuno na daw siya dahil sa sunod-sunod na pang-aaway ko. Well, in my defense, that time, I was so busy and stressed with work and extra things sa bahay, so dumadalas ang init ng ulo ko. Unfortunately, un na nga, napuno na siya.
Natapos ang quarantine niyang hindi pa kami ok. Pero I was the one who initiated the talk. At first he rarely replied to me saying na he’s with his family and his driving from here to there. And so I gave him time. That night we had an argument. The next morning, I chatted him apologizing for being toyoin. I called him, he sounded calm. We had a small talk and reconciled.
Ok naman na sana nung una, pero… napapansin kong nagiging cold siya. Sabi niya “tinatamad daw siya sa lahat.” I gave him time. I said, “magchachat lang ako, bahala ka na kung sipagin ka magreply.”
Until he said na, he can feel pain in his heart, abnormal beating and so on. He said magpapacheck-up siya. Natakot ako, kasi syempre, hindi ko man inaamin sa kanya, attached na ko sa kanya, gusto ko na siya at alam kong gusto ko na siyang makasama nang matagal. Sabi ko pa sa sarili ko, “Kung meron talaga siyang sakit sa puso, hinding-hindi ko siya iiwan. I will stay by his side.” I became sweet and understanding sa kanya. I even apologize for things na tingin ko hindi niya nagugustuhan.
Hanggang sa…inamin niyang may nakilala siyang iba sa tinder “last week” at sila na.
I said, “Sana sinabi mo na noon na ayaw mo na.” and he answered, “Di ko sasabihing ayaw na, dahil sinusubukan ko pa rin. Pero mali ko na hindi ako umayaw muna bago sumubok ng ganun.”
He said nagtinder siya ilang araw matapos ang away namin.
Nauna niyang puntahan yung nakilala niya sa tinder kesa akin na naghintay sa kanya nang matagal. Kahit andito na siya sa Pinas, hindi ko, binabanggit sa kanya na magkita kami dahil gusto ko sa kanya manggaling. Alam ko may mga tinatapos pa siyang training, etc kaya hinahayaan ko siya. And sa pag-aaway namin…
He said, “Kelan ka nagkapanahon?”
“Kelan ka nagtanong?”, I answered
Ngayon, nakablock ako sa kanya. Kaya hindi ko masabi at matanong ung mga bagay na naglalaro sa isip ko.
Sa simpleng away, naghanap na siya ng iba. Sa simpleng away, binalewala niya ung mga panahong nagkakausap kami. Sa simpleng away, natapos ung mga planong sabay naming ginuhit sa hangin.
Dahil sa ginawa niya, ilang beses ko ng tinanong ang sarili ko, kung kapalit-palit ba ako. Parang nawala kasi ung confidence ko sa sarili ko. Parang nagkaroon ako ng doubt sa sarili ko kung may tao pang magmamahal sa akin ng totoo. Parang nakaramdam ako ng pagod na sumubok uli.
Sana hindi na lang niya inumpisahan. Sana hindi na lang niya ko pinaasa at pinaniwalang siya na. Eh di sana, hindi ako nasasaktan ngayon habang siya, masaya na sa iba.