Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

hindi ko naman hinangad ang basta basta umibig
sabi din naman nila, hindi daw ito hinahanap
pagka’t sa bawat tao ang pag ibig ang kusang dumarating
kaya’t sa pag iisa’y ako’y walang problema’t nasanay

kaya’t noong ika’y dumating sa’king buhay, ako’y napaisip
ito na nga ba kayang sinasabi nilang pagmamahal
takot na takot, duwag na duwag ma’y nagbakasali na rin
tiwala’t puso ko’y inihabilin na nga sa’yong mga kamay

naglaon ang mga araw at gabi, palagi’y anong kay saya natin
tayo’y mas nagkakilala’t mas lumalim ang pagtitinginan
ngunit sa ating istorya pala’y may problema’t balakid
katotohanang kahit anong iyong pilit ay ‘di pwedeng iwasan

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


katotohanang nung nabunyag, tayo’y agad nawaglit
katotohanang sa’yong pagmamahal, ako pala’y pangalawa lamang
“kailanma’y hindi intensyong mahulog sa’yo, kaya’t patawarin”, ika mo sa’kin
kaya’t ngayo’y napapatanong, bakit ito’y aking nararanasan?

kung sadyang sya’y hindi na mahal ay bakit hindi nagawang lisanin?
hindi ba maaaring ikaw ay sa akin at sa akin lamang?
ngayo’y ‘di alam kung hanggang kailan ito’y kayang palampasin
ngunit ‘di ko kayang maging martyr, kahit sabihing oo! ikaw nga’y aking mahal

kaya’t hanggang kailan mag titiis sa mga hiram na saglit?
kung maaari namang tayo’y ilaan sa isa’t isa lamang
siguro nga’t may iba ka pang mas malalim na dahilan
ngunit hanggang kailan ako mag iintay oh aking giliw?

ngayong ika’y na sa puso na’y ako’y may kahilingan
maging totoo ka sana sa’yong sarili at sa pag ibig natin
pagiging maligaya’y, pareho lamang naman nating hinahangad
kaya’t para sati’y wala ng mahirapan sana’y harapin tunay na damdamin.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required