Hindi ko alam kung hanggang kailan kita iisipin, ngunit gusto ko lang malaman mo na walang araw na dumaan na hindi kita naisip at hiniling na sana masaya at nasa maayos ka na kalagayaan.

Ang hirap labanan ng panahon, bawat oras pumapasok ka pa rin sa isipan ko.

Marami sana akong gustong sabihin sa iyo, kaya lang sa sobrang dami hindi ko alam kung saan sisimulan ito.

Marami na rin akong tagumpay na naabot simula nung iniwan mo ko. Oo nagpapasalamat ako sa lahat ng ito, ngunit parang kulang dahil hindi ikaw yung kasama ko. Unti-unti kong tinutupad yung mga pangarap nating binuo ng mag-isa. Sana nandito ka sa tabi ko para maging kasalo sa mga tagumpay na naabot ko.

Sa litrato ko na lang lahat binabalikan yung masasaya nating ala-ala. Nais ko lang malaman mo na minamahal pa rin kita at hindi nagbago ang pagmamahal ko sayo. Dalangin ko na palagi kang masaya at maraming umakay sayo kapag nalulungkot ka kasi wala na ako sa tabi mo para magpunas ng mga luha mo. Pangakong mamahalin ka, kahit sa malayo mahal ko. Alam kong iingatan ka ng Panginoon, kahit wala na ako.