“BAKA ‘DI TAYO”
Categories Relationships

“BAKA ‘DI TAYO”

“BAKA ‘DI TAYO”

Ang saya ng ating samahan,
Tila ayaw na kitang pakawalan.
Magkahawak ang ating kamay,
Sa kahit na anong pagsubok sa buhay.

Naalala ko pa ang mga araw,
Na tayo’y magsasama balang-araw.
Habang pinagmamasdan kita,
Ang puso ko’y nag-uumapaw sa tuwa.

Tila nagbago ang lahat,
At para bang nagkaroon ng lamat.
‘Di maipinta ang iyong mukha,
Na para bang ika’y nagsawa.

Ayos naman tayo nung una,
Ba’t parang biglang nagbago ka.
Nagkulang ba ako sa’yo?
O sadyang pagod ka ng ipaglaban ako.

Siguro hanggang dito na lang ang ating pagmamahalan,
At kailangan ko na itong wakasan.
Kaysa ipilit ko ang relasyong walang patutunguhan,
Tapusin ko na para walang sisihan.

Hindi madaling proseso,
Pero mas makakabuti ito.
Ibinibigay ko na sa’yo ang kalayaan,
Kaya’t oras na para ika’y pakawalan.

Marahil iba ang nais ng Diyos para sa’ting dalawa,
Kaya ito na ang paraan para layuan na kita.
Hindi man ito madali sa akin,
Pero ang puso ko’y kailangan kong pahilumin.

Mananatili ka pa ring isang alaala,
Kahit hindi na tayong dalawa.
Sana maging masaya ka sa iba,
Kasi BAKA ‘DI TAYO ang nakalaan para sa isa’t-isa.