Mahal kita pero tama na..
Mga salitang matagal ko ng gustong ilabas
Mga salitang matagal ko ng gustong ibigkas
Mahal kita—pero tama na

Mahal kita oo,
Pero puso ko’y marunong ding sumuko.
Mahal kita oo,
Pero alam kong ang pagmamahal mo ay naglaho

Mahal, patawarin mo ako kung hanggang dito na lang..
Kung hanggang dito na lang ang kaya ko pang ibigay

Mahal, ikaw ang nagbigay ng saya, tamis, lambing at pag-asa..
Pero mahal, ikaw din ang nagbigay ng sakit, lungkot at luha

Ayaw sana kitang sukuan
Ayaw sana kitang bitawan
Gusto sana kitang ipaglaban
Gusto sana kitang samahan
Hanggang sa huli

Pero mahal, patawad
Kasi hindi ko pala kaya,
Hindi kita kayang ipaglaban
Hindi kita kayang samahan
Hanggang sa huli

Dahil ako’y iyo nang sinukuan
Ako’y iyo nang binitawan

Gusto ko pa sanang kumapit
Pero paano kung mayroon nang ibang nakasabit
Sa puso mong minsan na akong inakit
Paano pa kakapit
Ang puso kong binigyan mo ng sakit

Kaya mahal,

Handa na kitang sukuan
Handa na kitang bitawan
Dahil alam ko naman na sa ating dalawa
Ako na lang ‘yong nagmamahal

At dahil mahal kita

Nakahanda akong magparaya
Nakahanda akong magsakripisiyo
Ako na lang ‘yong masaktan
Ako na lang ‘yong mahirapan

Mahal, huwag lang ikaw
dahil mahal na mahal kita.

December 30, 2018
BlueGirlInTheRain