Buwan lang ang lumipas simula nang ako ay umalis sa lugar natin,
Pero dala-dala ko parin kung ano ang meron sa atin,
Kay tagal ng oras kapag hindi kita kasama,
Pero bat ganon din kabilis na makahanap ka ng iba?
Mahal, bat pa natin pinatagal kung hindi naman natin itutuloy?
Mga pangarap natin dati’y parang ilog na di tumitigil sa pagdaloy,
Minsan din kitang ipinagdasal na sana ay ikaw na nga,
Pero di yata narinig ng Panginoon kaya ikaw sakin ay nawala.
Sa isang iglap ang napakahabang istorya natin ay biglang natapos,
Di manlang pinagbigyan na muli natin itong maayos,
Pero salamat sa lahat at marami akong natutunan,
Sa KALAHATING DEKADA nating pinagsamahan.
-Tomi