Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

6 na letrang nagsasabing hindi ka na maibabalik sakin.
Isang salitang hindi maalis sa aking isipan.
Mali mang sabihin pero ako’y umaasang muling sabihin sakin na ako’y mahal parin.
Ako’y nangungulila sa iyong yakap na kay higpit.
Sana ako ay iyong muling piliin ngunit hindi na puwedeng ipilit.
Sadyang hindi na nga talaga puwedeng ibalik ang salitang tayo.

Mga ala-ala nating dalawa’y hindi basta mawawala sa aking puso’t isip.
Mga pangakong na pako nalang basta ng hindi namalayan ngunit nakatatak parin sa mga panaginip.
Siguro nga ikaw at ako’y hindi itinakda ng tadhana panahon lamang ang makakapagsabi kung paano ka makakalimutan ng puso at isip