Current Article:

Hindi mo alam, Kailan Puso ay napaglalaruan

Hindi mo alam, Kailan Puso ay napaglalaruan
Categories Relationships

Hindi mo alam, Kailan Puso ay napaglalaruan

Minsan, Hindi natin alam, kailan puso ay napaglalaruan.

Masaya, Masaya kapag magkasama

Tapos kapag uuwi ka, tetext mo siya “mahal Nasan kana?”

Maghihintay hanggang umaga ang reply “ Nakatulog ako pasensya na”

Mahal mo siya, handa kong ibigay ang mundo sakanya.

Kahit anong gusto nya, handa mong ibigay mapasaya mo lamang siya.

Isang Linggo, na kayo ay nakatakdang magkita.

Anim,pito, walo? Walong oras kang naghintay, hanggang sa wakas ay dunating siya.

”Mahal, Sorry traffic sa Edsa.”

Tangina?! linggo? May traffic sa Edsa?

Pero dahil tanga ka, este dahil mahal mo siya, maniniwala ka.

Dahil ang mahalaga lang naman sayo ay muli kayong magkasama.

Minsan, Hindi natin alam kailan puso ay napaglalaruan.

Hindi, hanggang sa isang umaga gigising ka at maiisip mo, “Tama paba? o May mali na?”

Kasi isang araw hindi kana sigurado, isang araw gigising kang nalilito.

Kung yung puso mo na akala mo masaya,hirap na hirap na pala.

Kasi bakit sa twing kasama mo siya, ni hindi ka man lang makamusta?

Sabagay, ikaw nga hindi mo matanong sarili mo kung “self, okay ka lang ba?”

Kasi bakit pag may tanong ka ang lagi nyang sagot “ Bahala ka”?

Kasi bakit sa twing magpapaalam kang aalis ka, sasabihin nya “okay sige ingat ka”

Mahal ka ba? E bakit parang ang sakit sakit na?

Minsan hindi natin alam, kailan puso ay napaglalaruan.

Hindi. Hanggang sa isang umaga paggising mo wala na siya.

Hahanapin mo, pero di mo na muling makikita.

Dahil sa wakas, sa walas ay naawa siya.

Iiwan ka niya,kapag tatlong hinga nalang ang natitira.

At doon, sa mga oras na iyon, doon mo makikita.

Kung paano ang akala mong tama, ay mali na pala.

Kung paano ang puso mo’y napaglaruan, nang hindi mo namamalayan.

At kung paanong makikita mo ang sarili mong magisa, nag iisa nalang sa kawalan.

Minsan hindi natin alam, kailan puso ay napaglalaruan.

Dahil minsan, Alam na natin, ngunit sadyang pinipilit na paniwalaan.