co-written by: Aeon Daniel
Hindi ko alam,
Kung paano sisimulan.
Hindi ko alam,
Kung paano tatapusin.
Hindi ko alam,
Ayaw ko nang alamin
At ayaw ko nang malaman pa.
Hindi ko alam,
Kung paano sasabihin ang nararamdaman–
Nararamdaman, na walang kasiguraduhan.
Takot, na ikaw ay kilalanin.
Natatakot, na ikaw ay kausapin.
Natakot, kaya hindi kita pinansin.
At nilampasan mo ako,
Parang hangin.
Hindi ma-idadaing.
Dahil ayaw ko sa hangin,
Na lalampas!
At kung saan-saan mapapadpad.
Gusto ko sa alon.
Iyon ang gusto ko.
Ang dalampasigan na babalik-balikan mo.
Iniwasan mag padala
Sa agos ng damdamin,
Pero ang hangin,
Ay pilit akong tinutulak pabalik –
Pabalik sa kung nasaan ka,
Pabalik sa kung saan,
Tayo una nag kita.
Wala na, ang gabi’y naging mahaba.
Ang araw ay naging mas masaya.
Pero tapos na.
Nilampasan kita.
Buwan na ang kaharap ko.
At ikaw ang araw,
Na pawang hihilingin ko sa pag gising ko.
Mali ang desisyong pinili,
Dahil sa isip ko,
Ika’y nanatili.
Nais kong humakbang,
Mag patuloy,
At ika’y ibaon.
Pero patuloy na lumilingon-
Lumilingon sa iyong direksyon.
Hindi inaasahan.
Hindi inaakala.
Aking isina-sapantaha.
Na mag tatagpo,
Ating mga paa.
At kung iiwas ka,
Sa pag kakataong ito.
Ako ang alon na babalik-balikan mo.
Muli kang nasilayan,
Gulong gulo ang isipan
Pero patuloy akong nag lakad
Buo na ang desisyon
Na ika’y salubungin
Ngunit hindi kausapin.
Dahil ang iyong pag kakakilanlan,
Ay dapat manatiling hindi ko alam.