“GUSTO AT HANDA”

Unahin natin yung salitang Gusto,
Gusto ko na ikaw lang yung babaeng gugustuhin ko,
Gusto ko na ikaw lang yung mamahalin ko,
Gusto ko na sa bawat takbo ng orasan ikaw lang yung makakasama ko,
Gusto ko na tayong dalawa hanggang dulo,

Pero nakakalungkot isipin na yung gusto ko,
Yun pa yung mga bagay na ayaw mo,
Bakit nga ba ko nag kakaganito?,
Kung tutuusin hindi naman ako yung unang nag kagusto,
Pero bakit ganito?
Yung pag-ibig ko pa yung mukang seryoso at totoo,

Sa salitang gusto may tanong na nabuo sa isipan ko,
Minahal at ginusto mo ba ko?
O sadyang ginamit at ginawang pampalipas oras mo lang ako,
Kase sa mga nangyari di mawaglit sa isip ko,
kung yung pinakita mong pagmamahal ay para sakin o para sa ibang tao.

Pero wag kang mag alala inihanda ko na yung mga huling salitang sasabihin ko,
Handa na ko na hindi ikaw yung gugustuhin ko,
Handa na ko na hindi ikaw yung mamahalin ko,
Handa na ko na sa bawat takbo ng orasan ay hindi ikaw yung makakasama ko,
At higit sa lahat handa na ko na hindi ikaw yung makakasama ko hanggang dulo.