Mahal – supposedly My Future
Categories Poetry

Mahal – supposedly My Future

Mahal nasan ka na?
Nasaan na ang pagmamahal mong dati’y sa akin lang inaalay
Nasaan na ang attensyon at oras mo?
Bakit parang ika’y unti unti ng nagbabago.

Nasaan na ang iyong mga pangako?
Lahat na ba’y napako?
Akala ko pag ibig mo’y totoo
Un pala isa kang lalaking mapaglaro
Ang tanging hiling ko na lang
Sana sa kanya ika’y liligaya.

Minsan ako’y napapaisip
Kung buhay pa iyong nanay
At ika’y hindi lubhang nalumbay
Siguro’y hindi ka naghanap
Ng pag ibig na sa iba’y nahagilap.