Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.
Sa lahat ba naman ng tanong,
ang tinanong ba naman ay,
“PAANO BA GUMANDA?”
Teka muna ha,
siguro unahin nating tanungin ang mga tanong na ‘to:
“Ano ang nakikita mo tuwing tumitingin ka sa salamin?”
“Gaano ka ka-ingat sa iyong sarili kapag ikaw ay single o kapag ikaw ay may ka-relasyon na?”
“Paano ka makitungo sa ibang tao kahit galit na galit ka na?”
Ang tatlong tanong ay sagutin natin ng isa-isa.
While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:
1.) “Ano ang nakikita mo tuwing tumitingin ka sa salamin?”
Ang sagot sa katanungang ito ay hindi lamang tungkol sa panlabas mong anyo. Kapag sa salamin ka tumingin ng literal as in sa physical lamang, marahil maraming kang makikitang ‘di mo gusto, gaya ng Pimples, Wrinkles, Scars, very Dark skin, Sobrang Payat, Sobrang Taba (unless physically attractive ka talaga to the level of “Ang perfect mo!” But nobody’s perfect naman, sablay pa rin!). Pero minsan ‘pag tumingin tayo sa salamin, marami tayong naaalala sa mga nagawa nating pagkakamali, mga pangyayari sa ating buhay na panget, as in panget na nakaraan, sobrang nakakaiyak at nakakagalit. Dahil dun ay naapektuhan ang pag-tingin natin sa ating sarili: ating SELF-IMAGE. Kung meron tayong negative self-image ay imposibling masabi natin sa ating sarili na MAGANDA tayo. Hindi natin makikita at maa-appreciate ang gandang meron tayo kung mababa ang self-esteem natin. Confidence is from overcoming insecurities kasi. (Tsaka kailangan din talaga ng SELF-FORGIVENESS to have a right self-image.) Importante talaga to have a correct self-image, ‘yung kung ano ang nakikita ni God sa’yo ay ‘yun din ang nakikita mo sa sarili mo. Wala namang nilikha si God na panget kasi hindi naman panget si God. It is written naman sa Bible, “We are created in His OWN image & likeness.”
2.) Gaano ka ka-ingat sa iyong sarili kapag ikaw ay single o kapag ikaw ay may ka-relasyon na?”
Actually, hindi lang ito tungkol as
pag-aalaga sa sarili mo, the issue here is not just the usual health and beauty concerns, but about SELF-RESPECT.
Paano ka manamit? Paano ka makitungo sa opposite sex? Gaano kahalaga sa’yo ang purity mo? Hindi naman sa condemnation, pero sana kahit single ka man o may karelasyon ay ingatan mo ang PUSO mo at ang PURITY mo. Kung in a relationship ngunit hindi pa kasal, PRESERVE yourself pa rin, para iwas din sa guilt in the future! Kung isang beses ka man nagkamali, o kahit ilang beses ka mang nagkamali, mahal na mahal ka ni God at iniingatan ka Niya kaya hindi mo kailangang magkamaling muli. If you are seeking for a true relationship ‘yong pang-forever talaga ay importanting you SOW RESPECT to YOURSELF. You will attract what you sow kasi. If you want someone to love and respect you, have self-respect muna. Siyempre in God’s will and God’s time naman darating ‘yong tinakdang tao para sa’yo, kaya habang wala pa ay maintain your self-respect. Hindi ka naman product lang na merong free taste. You were bought with the precious blood of Jesus.
(Remember: Self-respect makes you attractive and stand out kasi.)
3.) “Paano ka makitungo sa ibang tao kahit galit na galit ka na?”
Well, may nakita ba kayong isang babae na sobrang ganda na halos mukhang artista or model na at mukhang mayaman talaga, tapos biglang nagalit at nag-murah tapos parang gumawa ng eksena at may pinagalitan o pinahiyang ibang tao?
‘Di ba nakakagulat? Tapos nasabi mo, “Ay maganda sana, kaso ang panget ng ugali!” Ganun talaga, parang nakakawala ng ganda ang taong WALANG SELF-CONTROL. Normal lang naman na magalit tayo siyempre eh tao lang naman may mga emosyon din. Ngunit ang hindi tama ay hayaan natin na ang galit natin ang mangibabaw at maging dahilan para makapanakit tayo–emotionally at physically sa ibang tao. Sa totoo lang, tayo rin naman ang napapahiya kapag nawalan tayo ng self-control, at baka umiwas pa ang ibang tao sa atin kasi takot sa taong magalitin. Naalala ko ang nabasa kong saying nuon, hindi ko lang naalala kung sino ang may akda, basta sabi niya, “If you take care of your CHARACTER, your REPUTATION will take care of itself.” Kaya pala may mga kakilala akong hindi naman physically attractive talaga ngunit very patient and kind makitungo kahit galit na ay may self-control pa rin at may good manners, kaya maraming naa-attract sa kanila at gustong makipag-kaibigan at makatrabaho, at madalas nasasabihan ng “ang Ganda mo talaga!” Iba talaga kasi ‘pag inner beauty ay nahahalata talaga at ‘yon ang nangingibabaw. Kaya importanti na may fear of the Lord tayo kasi isa sa “Fruits of the Holy Spirit” ang self-control.
*
“Charm is deceitful, and beauty is passing, but a woman who fears the LORD is to be praised.”
(Proverbs 31:30)
*
At nandun na nga ang sagot kung Paano gumanda, ito ay nagsisimula sa FEAR OF THE LORD. Nakikita ito sa CHARACTER, sa level of maturity. ‘Yong gandang may pagmamahal sa Diyos at may pagmamahal sa kapwa.’Yong gandang hindi temporary at hindi nabibili sa mga malls at beauty clinics.
Correct SELF-IMAGE.
Having SELF-RESPECT.
Practicing SELF-CONTROL.
*Godliness is the best definition of beauty.*
#Proverbs31
#GodlyBeauty