Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Alam ko mawawala din ang sakit.

Masasanay ulit kumain mag-isa.

Bumili ng kape at hintayin kapag parating ka na.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


 

Alam ko ngingiti din ako.

Hindi mangangamba na makasalubong ka.

Kahit pa may kasama ka nang iba.

 

Alam ko hindi naging tayo.

Kahit na pinasok mo ang puso ko.

At pinahulog ako.

 

Alam ko may mahal kang iba.

Pero sinabi mo mahal mo din ako diba?

Naniwala naman akong parang tanga.

 

Alam ko napagod ka na.

Sa drama kong paulit-ulit.

Kasi ang hirap kapag alam kong ako lang nakakapit.

 

Alam ko kakayanin mo.

Sana’y ka naman manloko.

Napaikot mo nga hindi lang ako.

 

Alam ko okay ka na.

Pero ako hindi pa.

Kaya isang linggo pa, hihintayin kita.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required