Sino ka ba talaga
Bakit may kilig na nadarama
Bakit namamanhid ang talampakan
Tuwing maiisip ko ang matamis mong ngiti
Nahihirapan akong timbangin ang mga bagay
Na ginagawa mo at ginagawa ko

Patas ba ang damdamin?
O nalilito lang ako sa ihip ng hangin
Baka masyado lang akong masaya
pag kasama ka

Gusto ko sana umiwas
Para makatakas sa puso kong
Nahuhulog na ata sa iyo
Pero pag malapit ka parang ayaw ko nang
Kumawala sa piling mo
Ayaw ko mahalata sa kilos ko
Na ikaw ang gusto ko
Gusto kong magtago
Gusto kong magtago ng damdamin
Sa tuwing lalapit ka pero hindi ko kaya
Tila ba kusang kumikilos ang puso ko
Na mapalapit pa lalo sayo
Gagong puso di alam kung anong pinasok niya
Sana makinig ka sa utak ko
Ayaw lang namang nitong masaktan tayo
Nililigtas niya lang tayo sa pasakit
Pero bahala ka kung ayaw mong
Magpaubaya
Gawin mo lang kung anong nararamdaman mo
Bahala na

Malay natin ung simple pagdampi ng kamay habang naglalakad ay mauuwi din
Sa magandang pagsasama
Yung mga tawanan sa gitna ng usapan
Mga tinginan na parang may laman
Yung katahimikan pag magkasama tayo pero masaya ang pakiramdam
Yung mga bagay na pareho nating gusto
Pareho nating pangarap
Kaya talagang mahirap pigilan
Ang puso at damdamin na mahulog sayo
Kahit sino ka man