Hi, kamusta ka na?

Miss na miss na kita. Parang pinipiga ang puso ko kapag naalala ko kung gaano tayo kasaya. Tapos yun, wala na.

Namimiss ko yung weekend nating walang kabuluhan. Manood ng Netflix, UFC at magisip kung paano tayo yayaman.

Hindi pa din ako ok. Hindi ko alam kung kailan ako gagaling. Parang itong sakit kong ito, ikaw ba talaga ang gamot? O wala, iniisip ko lang ang lahat.

Pasko at new year na. Nakatipid naman ako sa regalo para sayo. Binili ko na lang para sa sarili ko. Pero bakit ganun? Bakit kulang pa din ako?

Kumain ka na ba?

Masaya ka ba sa kanya?

Iniinom mo ba gamot mo?

Nageexercise ka pa ba?

Nagluto ka ba ng ulam mo?

Hindi na kita nakikita sa fb kasi inunfriend na kita. Wala ka namang ig at masakit sa lahat, di mo na biniview mga story ko kahit naka public naman talaga ako. Papansin lang sayo.

Ayun gago pa din ako. Malaki pa rin ang galit sayo. Pero di ko mapigilang tignan kung online ka sa viber, baka sakaling maisip mo ulit akong I message. Pucha, kahit friendship online papatusin ko na.

Hindi ko pa kayang magmahal, kasi di ko pa din kayang magtiwala. Hindi mo rin naman kayang mahalin ang nagdarahop kong kaluluwa. Pero miss ko lahat ng usapan.

Yung relasyon magtatagal sana kung binagalan lang natin ang ating mundo. Kung sanang hinintay muna nating tumaba ang lupa hanggang tayo ay mamulaklak at tuluyang magbunga.

Kaso, hayop talaga yung Christine na pumutol sa ating dalawa. Mas mataba ang kanyang ektaryang lupa. Sana masaya ka sa kanya. Katulad kung gaano mo gustong tignan ang mukha ko twing kakain ako ng masarap. At kung paano ako malusaw sa titig mong nakakabaliw. Masaya ako sa kahit konting sandali.

Kamusta ka na?

Masaya ka ba?

Ako yung mahal mo pero hindi ako yung kailangan mo. Medyo hayop ka sa part na yun.