Nagsimula ang lahat sa mga salitang BAKIT at PAANO. Tinatanong ko palagi sa sarili ko kung anong meron sayo at BAKIT sa tuwing nakikita at nakakausap kita sumasaya ang araw ko, yung tipong ang kulang nalang ay yung salitang tayo. Ngunit kasabay nito ang salitang PAANO, PAANO ko sasabihin sayo ang tunay kong nararamdaman dahil alam ko na kaibigan lang ako para sayo kaya iniisip ko na lang kung PAANO ko ko itatago itong nararamdaman ko.
Pero BAKIT parang nasayo na ang lahat; attractive, mabait, matalino pa. Ikaw yung tipong pinapangarap din ng iba. PAANO ko naman sila malalamangan kung ang meron lang ako ay taba sa tiyan. Tanda mo pa ba kung PAANO mo ako iniwasan noon nang malaman mo sa mga kaibigan kong crush kita? Limang linggong di mo ako pinansin o kahit tingnan man lang. BAKIT…. anong nagawa ko sayo, mali bang magka-gusto ako sayo?
Minsan di ko alam kung sasabihin ko pa sayo ito ng harapan dahil alam ko na rin naman ang isasagot mo. BAKIT ko pa ba pinipilit ang sarili ko sayo, nag-aaksaya lang ako ng oras ko sayo. PAANO naman kasi, tropa ko pa ang nagugustuhan mo. Tapos ngayon lumalapit ka nanaman sa akin. Kaya baka di ko na ito sasabihin sayo dahil ano ba naman ang ineexpect ko sayo, matamis mong oo crush din kita? na mahal din kita? T*****A sayo yan, hindi lang ikaw ang tao dito sa mundo.
Ngayong tatlong linggo nalng kita makikita, tinatanong ko parin ang sarili ko kung BAKIT at PAANO ako nagkagusto sa isang tulad mo.