Hangang sa mga Huling Letra
Categories Poetry

Hangang sa mga Huling Letra

Uumpisahan ko sa kung paanong paraan ako sumaya.
Dahil sa mga kataga mong mahal kita at walang iba.
Na pag akin naririnig puso ko’y sumisigla,
Na sa pakiwari ko’y tayo na nga ang magsasama.

Hindi na nabilang bawat araw na mabilis ng lumilipas,
Na ang akala ko kasi noon tayongdalawa ay hanggang wakas.
Dahil pagmamahalan natin noon ay wagas at Di kumukupas,
Ngunit bakit ngayon tila bulang nawala at walang iniwang bakas.

Sa iyong pag kawala may mga salitang nabuo,
Na siyang naglalaro sa sugatan kong puso.
Hindi madali sapagkat ito ay sadyang seryoso,
Palagay ko ay aakma bagay lang para sayo.

Huwag mong bagitin ako’y tutula na naman,
Dahil kada letra mabuti kong pinag handaan.
Mga salitang sadyang binuo para alalahanin,
Mga bakas ng kahapong masaya nawa’y madaling burahin.

Hindi ito kwento na ang bida ay palaging tayo,
Lalong hindi ito balita nakalathala sa diyaryo.
Hindi din parabola na mang huhula pa tayo,
Sabihin nalang natin na ito ang wakas ng salitang tayo.

Sa unang letra sa T ako magsisimula,
kumakatawan sa salitang Tayo sa akin paniniwala.
Sunod na letra ay A ang akala ko’y ikaw ay Akin na.
Pangatlong letra N akin isinama Nanlamig bigla, dati sabik bigla nalang nawala.
Kaya ang ikaapat na letra G akin nakita,
dahil sa Giyera ng pagsubok iniwan mong bigla.
Kaya ang huling letra ay A,
Simbolo sa salitang AKO.
 
Ako na nagbibigay Kabul wala ng matira.
Ako na lumalaban kahit sumusuko ka na.
Ako na nagtitimpi kahit pagod na pagod na.
Ako lang naman si Ako na nagpapakatanga ng dahil sayo. Gago.