Current Article:

“Ako’y Aasa, Aasa Parin Sa’yo” (In Response to the Poem, “Hi, Friend!”)

“Ako’y Aasa, Aasa Parin Sa’yo” (In Response to the Poem, “Hi, Friend!”)
Categories Relationships

“Ako’y Aasa, Aasa Parin Sa’yo” (In Response to the Poem, “Hi, Friend!”)

Limang taon simula nang ikaw ay nakilala
Nasa taas ka ng establado, lahat ng mata’y nakatingala
Habang tinititigan ko ang maamo mong mukha
Biglang napangiti at nasabi kong, “Crush ko na siya.”

Mabait, malambing at masayahin ka,
Kaibigan ng lahat, kilala ng masa
Sino ba naman ako para kausapin ka?
Na ang katulad mo’y parang anghel sa ganda.

Lumipas ang ilang taon at ika’y tanaw pa din
Malayo man ngunit ika’y pinapanalangin
Na sana dumating ang panahon na ako’y pansinin,
At kahit ganito ako, ay iyong kakaibiganin.

Di nga nagtagal at ako’y Kanyang dininig
Tayo’y nagkakilala at naging malapit
Lahat ng iyong lungkot, saya at pasakit
Iyong sinasabi sa akin at sinasambit

Masaya ako tuwing kasama kita,
Di ko lang alam kung ito’y iyong nakikita
Sa bawat kwento mo’y kinikilig ako,
Nakakahiya mang sabihin pero ito ay totoo

Ako’ napahinto at biglang napaisip
Crush ko nga ba talaga o ako na ba’y umiibig?
Bakit damdamin ko’y mas lalo pang lumalalim?
Alam ko naman na kaibigan lang turing mo sa akin.

Di ako mapapagod sa kakaasa
Hihintayin ko ang mga sandali kung kelan handa ka na
Kahit bilang kaibigan lang ako’y kuntento na
Di kita pipilitin, mamadaliin, oh aking sinta

Aasa pa rin ako kahit na sa iyo ay malabo
Hangga’t di Niya sinasabi na ako’y susuko
Hangga’t di mo sinasabi na titigilan ko na ‘to
Ako’y aasa pa, aasa pa rin sa’yo…