Ano?
Ano nga ba ang meron Sayo?
Base sa mga nalalaman ko, sapat na nga ba ang mga depinisyon na ito?
O baka naman ay ano? Ano ang mayroon sa akin? ang dapat natanong ko
Dahil sa tayog ng pagkakakilala ko Sayo ako’y pinili mo
Kailan?
Kailan nga ba nagsimula ang lahat ng ito?
Hindi ko man masabi ang eksaktong pagkakabuo
Alam kong sa umpisa pa lamang ay minahal Mo na ako
Minahal Mo na ko higit pa man sa kahit anong bagay dito sa mundo
Saan?
Saan nga ba tayo patungo?
Marahil nawawala lamang ako sa wisyo
Sapagka’t sa pagsama ko ba Sayo’y hindi ko parin alam ang direksyon ko
Sigurado akong sa anumang paraan sa kapahamakan ako’y hindi mo ituturo
Paano?
Paano Mo nga ba ako minahal ng ganito?
Sa kabila ng napakaraming pagkukulang ko Sayo
Kailanma’y hindi mo binitawan ang kamay ko
Sa mga panahong sumusuko at unti-unting lumalayo
Papalapit Sayo ako’y hinatak mo
Bakit?
Bakit mo nga ba nagawa ang lahat ng ito?
Ang akuin ang kasalanang walang ibang dapat sisihin kundi ako
Ang pag-aalay ng buhay sa mga taong katulad ko’y madalas makalimot Sayo
Para sa mga taong higit Sayo ay mas minamahal ang mundo
Bakit Mo nga ba pinasan ang krus ko?
Sa dami ng katangungang ito, naisip kong hindi ko nga pala kayang arukin ang hiwaga Mo
Dahil kahit kailan wala naman akong kayang ipagmalaki sa harapan Mo
Ang manalig na sa Iyong pangako Ika’y palaging totoo
At ang sumunod sa mga utos Mo, yan lamang ang pinakamaliit na magagawa ko
Panalangin ko lamang Panginoon ko, ako’y gamitin sa kaluwalhatian Mo