Parang kahapon lang,
Nung tila ang aking mga kamay
Ay ayaw mong bitawan
Parang kahapon lang,
Nung tila ayaw akong pakawalan
Sa ‘yong pagkakahagkan
Parang kahapon lang,
Nung sabay tayong nangarap
Sa ilalim ng buwan
Parang kahapon lang..
Sana kahapon nalang
Ang aking kasalukuyan.
Ngunit kung mararanasan lang ulit ang pait
Parang ayoko ng bumalik
Dahil ang katumbas ng yakap mong kay higpit
Ay walang humpay na kalungkutan at sakit.