A Vanished Love
Categories Short Story

A Vanished Love

The first time I met you nung time na fiesta sa lugar ng tita ko. Inaabang abangan kita nun nung sinabi ng pinsan ko na pupunta ka. At nung time na naglalakad ka palang sa kalsada napangiti nako at hindi ko pinahalata na nakita na kita hahaha.. Sobrang ganda mo talaga at ang tangos ng ilong mo, pasulyap sulyap lang ako nun sayo pero inaamin ko na mula nun crush na kita. At nung nasa 2nd year college nako, sabay kaming umuwi ng pinsan ko dinadaanan siya namin ng kapatid ko sa school niyo at may pagkakataon na magkasama kayo inofferan kita nung ice cream na binili ko pero hindi mo tinanggap sad naman nun. Hanggang sa time na magsesenior high kana.

April 2017, friendversary natin sa facebook. Binati kita at nag-usap tayo sa comment box at sinabi mo na sa mismong school namin ka mag-aaral. Sobrang saya ko nun at makikita na kita araw-araw. At yun nga nagsimula na ang klase.

June 2017, hindi ko lang maalala kung nakita ba kita sa firstday of school mo dahil nga nauna kayong pumasok kesa samin. Second sem nun, dun nagsimula yung friendship natin in person hanggang sa dumating yung time na ikaw yung lagi kong naaanyayahan na kumain pag lunch. Loner kasi ako eh, ay hindi pala, walang gustong sumama sakin buti andyan ka pero minsan yung barkada ko yung kasama ko maglunch. Isang txt ko lng sayo dati umu-oo ka kaagad yun pala tinutukso kana ng mga kaibigan mo sakin. Inaamin ko crush kita nung una pero mas crush ko yung kaibigan mong isa hehe sobrang ganda niya ehh. Inshort, parang kapatid na yung turing ko sa’yo nung time na yun.

December 2017, birthmonth mo binati kita ng happy birthday may kasama pang pic mo na nakuha ko mismo sa fb mo. Hahaha ang cute mo dun kaya yun yung kinuha ko. At dumating yung bagong taon, nagbatian tayo tsaka nung pasko bago yung kaarawan mo.

At yun nga, nasa year 2018 na tayo. Sobrang close na natin nun at sa’yo ako nagtatanong tungkol sa kaibigan mong crush na crush ko. Binibigyan mo naman ako ng info haha napakasupportive mo talaga. Pati sa comment box support karin muntik mo pakong ibuking. Hanggang sa nagpapractice na kami para sa graduation namin. Minsan pinapanood niyo kami nahihiya tuloy ako. Shy type ako ehh hahahaha… At yun nga, parating na yung graduation namin. Nagchat ako sa ex ko na umattend sya ng graduation ko sabi niya tingnan niya lang daw. Plano ko kasi makipagbalikan sa kanya pero hindi din sya umattend pati yung bestfriend ko hindi din umattend nagkataon kasi na sabay yung graduation ng kapatid niya samin sa ibang school at yun nga ikaw yung nandun sa graduation ko. Sumabay ka samin nun pag-uwi inshort inuwi kita hahaha joke lang. Dun nagsimula yung pagkalito ko. Habang pauwi tayo, inaantok ka at pinatulog kita mismo sa hita ko. At nung time na yun parang hindi ako makahinga. Parang may mga kabayo na nagkakarera sa dibdib ko pero hindi ko lang pinansin hanggang sa nakarating tayo sa bahay. At nung time na natulog na tayo dun ako mas naguluhan, pinayakap kita sakin at yun parang sasabog yung dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok neto. At kinabukasan, umuwi kana.

April 6,2018
Eto yung date na nagconfess ako sa’yo. Sobrang mahal na talaga kita at tinanong kita kung pwede kung bang maging tayo na at napatalon ako sa sagot. Tuwang tuwa ako nung time nayun, napaiyak pa nga ako eh. At dun nagsimula yung love story natin. Kada buwan nagkikita tayo kasi nga isang minuto palang na magkahiwalay tayo namimiss na kita. Lumipas ang mga buwan, pumupunta ako sa inyu minsan ikaw yung pumupunta samin at thankful ako dahil nga nakikita kita kahit papanu. Pag may okasyon sa inyu pumupunta ako. Anniversary ng nanay at tatay mo, birthday ng nanay at tatay mo kahit nga walang okasyon pumupunta ako namimiss kita eh. May time na pumunta pa tayo nun sa isang high land resort. Tapus nung birthday mo, naghalfday ako sa work ko just to be with you in your special day. At nung namatay yung lolo mo andun din ako, dahil gusto kitang icomfort. Birthday nung mga pamangkin mo present din ako, gusto kong mapalapit sa pamilya mo. Mahal na mahal kita ng sobra na kahit alam kong mali pinagpatuloy ko pa.

Valentines day nun, nakakalungkot man dahil wala na nga akong trabaho hindi kita mai-date man lang mismong ikaw pa yung nanlibre, nahiya ako nung time na yun. Feeling ko napaka useless kong tao. Pero thank you ha, first date ko yun sa araw ng valentines. And then yun nga isang buwan ang lumipas, mag iisang taon na tayo bumili ako ng mga materials nun para sa gagawin kong card para sayo pero d ko naibigay sayo. Dumating yung araw ng anniversary natin at pumunta ka sa bahay at sobrang saya ko nun dahil isang taon na tayo. Grabe noh, nakaya natin yung isang taon. At nagpapasalamat ako sayo na hindi nagsawa. Mahal na mahal talaga kita eh.

Pero dumating yung mga araw na parang nanlalamig kana pero binalewala ko lang yun dahil alam ko mahal mo ako. Dun lang ako kumapit sa sinabi mong mahal mo ako. Yun nga nagdaan ang mga araw na nagtitxt parin tayo hanggang sa araw na nagdesisyon ka na makipaghiwalay ka sakin. Nagtanong ako sayo kung bakit at ang sagot mo hindi ka na masaya, biglaan naman yata sana pinaalalahanan mo man lang ako. Ang bilis mo naman magbago. Sabagay hindi din kita masisisi. Nag.expire na siguro yung pagmamahal mo sakin kaya ganun. Sobrang sakit yung naramdaman ko nung araw na yun at napaisip ako na makapagpakamatay nalang. Iyak lang ako ng iyak  nung time na yun pero naalala ko ang Panginoon at nanalangin ako, at ramdam ko ang comfort Niya sakin. Ramdam ko na niyayakap Niya ako at bumubulong na “Anak, andito lang Ako.” Kaya di ko natuloy yung pagtatangka kung pagpakamatay. Gabi gabi iyak lang ako ng iyak, hanggang sa lumipas ang mga buwan andun parin yung sakit. Ang lupit mo.

August 2018, nagkita tayo ulit bago yung araw ng exam ko. Ayun normal naman na tayo pero ramdam ko parin ang sakit at binalewala ko nalang yun gusto lang talaga kitang makita bago ako umalis. Yun nga andito nako, malayo na ako sa’yo pero hindi ka naman mawala sa isip ko. May araw parin na umuiiyak ako dahil sa sakit, buti nalang andiyan ang Panginoon. Sabi ko sa sarili ko, magpakatatag ka lang, tiwala kalang sa Kanya at mawawala din yan. Sa Kanya lang talaga ako ngayon kumakapit. At nung nalaman ko na may bago kana medyo nadisappoint ako. Akala ko hindi mo kailangan yan yung sinabi mo sakin sa chat eh pero ba’t mo pinatulan? Ang dami talagang twists sa mundo. Nasaktan ako ah sa nalaman ko pero sa uulitin, hindi ako magpapatalo sa sakit nato. Mawawala lang to, pati yung feelings ko sayo. Nanghihinayang lang talaga ako sa nasayang at nawala nating pagkakaibigan. Wala na din tayong magagawa, sirang sira na eh at wala ka na ding planong ibalik yung friendship na nabuo nung nakaraan. Ingat na lang palagid.

Para ‘to sayo:
Abutin mo yung mga pangarap mo kasama ang Panginoon. Always remember, God’s will is always be the best. Hayaan mong Siya ang maglead sa pangarap Niya para sayo. Thank you for the love. And God Bless you always!