Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Akala mo sya na
Bakit parang nagdadalawang isip ka?
Kaya mo pa ba?
Dapat bang ipaglaban pa?
E para ka ng baliw
Gagawin lahat para lang masalba ang sigla at aliw
Ikaw na gagawin lahat para lang hindi sya bumitiw
Late night convo ka pang nalalaman haaaaa
Mahal na mahal mo no? pero ang tanong,
Nasaan na sya ngayon?
Ngayon na umiiyak at nahihirapan ka!
Oh para kang tanga!
Pwede bang matauhan kana dyan sa tinatawag mong Pag-ibig?
Ramdam na ramdam mo na ang pag lamig
Sa umaga man o sa gabi, isama mo naden ang
Tanghali, hapon,medyo hapon? Pero hindi hapon pero pagabi na ganon?
Utang na loob! Susmaryosep ka naman!
Wala na finish na yan!
Yayaan nalang sa inuman!

……..
Andito naman ako ah,
Bakit di mo ko Makita? Ay kita mo palaaa
Kaso Bes? Bessy? Bespren? Boi?
Doi? Bessywaps? Ano pa?
Eee wala e kaibigan lang ako.
Ganon lang at hanggang doon lang tayo.
Iyak na tayo bes?
Lagi naman ganito e.
Magchachat ka bigla, ganon na naman
Nasasaktan kana naman.
Ngayon tatanungin kita,
Oh ano di paden pwede na ako na?
Relasyon naman natin ilevel up mo!
“Sorry”….

yan ang narinig ko mula sayo
Tara magwalwal!
Umuulit ulit sa isip ko Mahal
Wala na finish naden
Yayain nalang kita irecite,
A-BA-KA-DIKANYAMAHAL.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Send me the best BW Tampal!

* indicates required