Tanda ko pa ang mga salitang binigkas mo                                             
“di na tayo magkaintindihan , ayaw ko na , ako na muna”                                
 salitang nagpaguho sa aking mundo                                                          
 mga salitang ayaw tanggapin nang pusong ito,                                                  
 mga salitang pilit di pinaniwalaan ng aking isipan.
lumaban ako para masalba ang tayo.                                                   
ang tayong pilit kong pinaniwalaan na mananatili hanggang sa dulo ,                             
ang tayong sinukuan mo ng ganun ganun na lang.
labag man sa loob ko na palayain ka ,pero pinalaya kita.                                      
pinalaya kita para mahalin mo muna ang sarili mo                                                 
 pinalaya ko ang taong pinapangarap kong makasamang habang buhay.
lumipas ang araw , buwan at naging taon                                                  
 ang akala koy sarili mo muna ang inaalagan,                                        
 inaalagaan nga                                                                 
 inaalagaan na ng ibang tao
alam ko na may mali ako                                                            
maling pwede pa maayos                                                              
maling ginawang rason para makapagsimulang ulit sa iba
nagpapasalamat ako sa mga panahong nakasama kita                                         
sa mga panahong pinaramdam mo na ako ang pinaka swerteng tao sa mundo                                                
at sa mga panahong iniwan mo ako                                                       
akoy natuto ng sobra dahil sa ginawa mo ,sanay ikaw rin                                  
sanay matuto ka na hindi solusyon ang pagtakas at pagpalit ng minamahal para mawala ang mga problema     
sana balang araw matupad muna ang sinabi mo sa akin na ako na muna.
pero sa ngayon,sa tingin ko ako na muna ang tutupad sa mga sinabi mong “ako na muna”(: .
 
                                                         
                                                         
                                                         
                                                         
                                                        


 
                                                 
                                                 
                                                
