Awit ng Ibon

85

Malaya ka na.

Sa mga titig kong di maalis-alis

Habang kausap ka;

Sa mga ngiti kong ayaw maglaho

Habang nakangiti at tumatawa ka;

Malaya ka na.

Sa mga gabing lagi kitang iniisip,

Kahit wala naman dapat isipin;

Sa mga araw na hanap kita,

Kahit di ka naman kailangan.

Malaya ka na.

Sa mga panahong nami-miss kita,

Kahit wala namang dahilan;

Sa napakarami kong tanong,

Na baka di mo masagot;

Malaya ka na.

Sa damdamin kong

Di ko naman maamin sayo;

Sa mga panahong gusto ko nasa tabi kita,

Kahit oo, wala namang tayo.

Malaya ka na.

Sana,

Malaya na rin ako.