Pumapatak na naman ang mga luha
Ilang beses na bang sinabi sa sariling lilimutin na? 
Bakit hanggang ngayon bumabalik pa

Mga salita mong matamis at ngiting tila totoo
Sana di agad naniwala nang hindi nauto
Isip na ginulo, pusong nilito kailan nga ba matututo 

Wag na sanang tangkaing lumapit pag ako'y lumalayo
Dahil di namamalayan, mga paang humahakbang papalit uli sayo
Tigilan na sana, mapanakit mong laro