Paano ba magiging ikaw
Ikaw na totoo sa lahat
Na panandalian makalimutan
Ang tama sa dapat?
Paano ba kumawala
Sa hawla na ikaw ang gumawa
Dahil ang puso ay sawa
Sa mga dapat na wala naman?
Paano sisisihin
Ikaw na nanakit sa akin
Kung sarili ay lunod din
Sa karamdamang gawa rin?
Paano ko sasabihin
Masaya ang damdamin
At puso ay umaawit
Kung ang lahat ay kunwari?
-end-