Almost
Categories Confessions

Almost

I just want to share my story. I used to like this guy for 1 year and 8 months. Though sinabi nya na sakin nung 1st month pa lang ng friendship namin na friends lang talaga kami, naghintay pa din ako, kasi naniniwala akong may idedevelop pa tong samahan namin, may idedevelop pa yung feelings nya sakin. And as the time goes by, mas lumalim yung friendship namin. Lumalabas na kami, nanunuod ng sine, kumakain sa labas. Binibigyan nya ako ng pagkain at ng kung anu-ano pa. And because of that, nabuhay na naman yung pag-asa sa puso ko. Akala ko may gusto na sya sakin, kaya talagang inenjoy ko yung moments, knowing na magkaibigan kami. Dumating na sa point na nagseselos na din ako, even our friends, napagseselosan ko na rin. Pero pinipilit kong magselos sa mga kaibigan ko, meron pa nga akong friend na hindi pinansin dahil napagselosan ko, pero I fix that issue. Naging okay naman kami ng friend ko na yun. November 2017, he asked me if I want a bag kasi bibilhan nya daw ako, pero tumanggi ako kasi parehas pa lang kaming student, I don’t want him to spent money for materials things. December 2017, 20th Birthday nya, me and his friends planned a surprise for him, though yung surprise na yun ay ako, na pupunta ng fairview qc from tondo. And nashock sya kasi ang layo ng lugar naming dalawa, at kitang kita sa mukha nya yung saya. Nagpatuloy kami sa ganung set up, parang magjowa na pero hindi. January 2018, nakaramdam na ako ng takot, takot na baka hindi nya masuklian yung love na binibigay ko sakanya. Hindi ko sya pinansin for almost a month, at ang daming nakapansin samin ng tropa nya na parehas kaming malungkot, kaya nagplano na yung mga kaibigan namin na paglapitin kami. Tinanong nya ako kung bakit daw bigla ko na lang syang hindi pinansin, isa lang ang nasabi ko “Wala naman kasing mangyayari satin” at tumawa lang sya sa sinabi ko, at niyakap lang ako. I accepted the fact na friends na lang talaga kami, pero no, i still have the faith na may feelings din sya for me, baka hindi lang sya ready. February 14 2018, binigyan nya ako ng white rose kasi wala daw syang maisip na ireregalo sakin, dahil dun, umasa na naman ako. That’s my first time na may magbigay sakin ng flower. And after a week, nalaman ko na magkachat na naman sila nung friend ko, at hindi ko na napagilan, hindi ko ulit sya pinansin pati yung friend ko. Umabot ng 1 month bago ulit kami magkausap. Nung nag-usap kami, umiyak sya sa harap ko. Sinasabing nasasaktan sya sa ganung gawain ko, bigla na lang syang hindi pinapansin. Pero after that confrontation, nagkaayos kami. April 2018, nadisgrasya sya. Sobrang nag-alala ako nun, parang gusto kong lumipad nun from mendiola to welcome rontunda pero hindi sya pumayag. Nung nag gabi ng araw na yun, tumawag sya, saying na baka hindi na kami magkausap pa. Nalungkot ako dun kasi syempre every night magkausap kami sa phone. Pero kinabukas, nagkita kami at sobrang saya ko nun, kasi wala naman syang injury. June 2018, inaya kami ng isa naming tropa na pumunta sa Quezon province, since hindi ako pinayagan ng mama ko, sya na lang ang pumunta. Kinausap ako ng tropa namin na yun and he said that nag-assure na daw sya na pupunta sya next year kasama na ako. Kinilig naman ako dun kasi feeling ko talaga girlfriend na nya ako. Nagpatuloy yung ganung relasyon namin. And August 2018, kinausap nya ako, kiniclear saakin na friends lang talaga kami. Na Brotherly love lang daw ang kaya nyang ibigay sakin. I asked him what if I’ll wait. Pero hindi nya sinagot yung sinabi ko na yun. And again, I accepted my fate na hanggang magkaibigan lang talaga kami. Nagpatuloy pa din yung ganung set up namin, hanggang sa nitong last September 2018, sinabi nyang ihinto na namin yung ganung set up namin, at kumain pa kami sa ihawan nun with matching kanin. Hirap na hirap akong ngumuya at lumunok that time, at nagrequest pa sya subuan ko pa sya. Pigil na pigil yung luha ko nun. Pagkatapos kumain, nagdecide na kaming umuwi. Mabuti na lang nung naghiwa-hiwalay kami, kasama ko yung isa pa naming tropa, sakanya ako naiyak. 3 weeks after, my professor talked about my lovelife, at nung nalaman nyang ganun ang nangyari, pinatawag nya itong si guy at kinausap din. He defended himself to my prof and said na kinlaro naman nya daw sakin na magkaibigan lang kami. Pero nagalit ang prof ko, at sinabing “Sinabi mong magkaibigan lang kayo, pero bigay ka pa din ng bigay ng kung ano ano at pati na rin ng motibo. Kung ayaw mo maging karelasyon yung tao, wag ka ng gumawa pa ng mga bagay at ng mga dahilan para mahalin pa din nung tao. Sinabi mong kaibigan lang pero lumalabas pa din kayo. Edi syempre itong estudyante ko, aasa pa din yan.” Natahimik sya sandali. At muli nagtanong sya, “Ikaw, poi. Kaya mo bang wala si guy?” I answered “Opo naman sir, kakayanin.” “Iiyak ka ba?” He asked “Syempre sir.” I answered. Humarap sya kay guy at nagtanong ulit “ikaw, kaya mo ba ng wala si poi?” Sumagot si guy ng “hindi po sir” nagalit lang ang prof ko kasi maging sya ang naguluhan. But now, I’m trying my best not to make an encounter with him. Kasi nabalitaan ko na malungkot na naman sya. At alam na ng mga kaibigan namin ang dahilan. And I felt guilty with that. Makikipag usap naman ako sakanya, pero siguro pag okay na ako. Sa ngayon kasi masakit pa din yung mga pangyayari. Any advice po? I hope na hindi kayo mainis sakin dahil sa katangahan ko.