Ang puso ay sinanay, matagal itinago sa kahon
Nung ikaw ay sumilay para bang nagkita na sa malayong kahapon
Wala namang hinahanap, pero sa mga mata mo natagpuan ay mayroon
Mga tanong ay parang patak ng ambon na unti-unting naipon
Itong kahon, parang nasira nung nabasa
May tuwa at takot sa tuwing ika’y pinagmamasdan
Hinihiling na tumila dahil natatakot masaktan
Wala pa man, sadyang hindi kasi kinasanayan
Etong nararamdaman, saan nga ba ang pinagmulan
Naghihintay, pero puso’y kumakawala at gustong lumapit yata sa’yo
Kasabay ng ambon, tapos ng ulan
Damdamin ay unti-unting nagiging bagyo