di bale na~

pwede bang magsimula sa umpisa
kung saan puro saya at walang pangamba
pwede bang matapos na ang dulo
nang mapawi mga alaalang may sakit nang kahalo.

pwede bang tumigil muna ang oras
tumigil sa araw na lahat ay patas
pwede bang marinig ang iyong isipan
nang matigil aking mga palaisipan.

ano pa nga bang saysay ng mga katanungan,
lahat naman ay walang kasiguraduhan.
ano nga bang saysay ng mga kasagutan,
kung lahat ay wala ng kahulugan.

di bale na.
mahal, di bale na.

Previous articleAmbon, ulan, bagyo
Next articleUntitled
Avatar
Hi there! I’m usually not vocal and not very expressive so I guess this is an attempt to let myself be vulnerable without feeling overwhelmingly exposed. I only write to express so pardon me if most pieces are not written very well. Thanks in advance for reading through my thoughts. 💕