Naalala mo pa ba ang mga gabing pinagsaluhan natin?
Naging saksi ang buwan sa mga ngiti sa ating mga labi
Naalala ko kung paano mo ako tinignan na puno ng pag-ibig.
Pagbigkas ng aking pangalan ay tila himig sa ‘king pandinig.
Ilang buwan din ang nakalipas at nag-iba ang ating yugto,
Ako ang naging buwan at ikaw ang aking naging mundo.
Sa ating pag-ikot, kailanma’y ‘di tayo nagkakatagpo.
Inakala kong kapag tinuring kitang buwan, ako ang iyong magiging mundo.
Naalala mo pa ba nung una kang nagpaalam?
Tila para kang buwan na naglaho sa pagsapit ng umaga.
Sa pagsikat ng araw, sumabay ang pagbagsak ng aking mga luha.
Kumpara sa araw, ang buwan lamang ang nagsisilbing liwanag at gabay.
Magkaiba man ang ating landas ngayon, ikaw padin ang laman ng aking isip.
Mga ala-alang binuo natin sa ilalim ng buwan, sana’y dalhin na ng hangin.
Ang pag-ibig na binuo ng ilang buwan, nararamdam padin sa bawat gabi.
Sa susunod na yugto, ang akin hiling ay muling bigkasin ang akin ngalan sa iyong mga labi.