Malabo
Categories Poetry

Malabo

Tama, mali na naman ako

Sa pagkakataong binubuhay ko,

Yung ‘gusto’ na ayaw mo.

Oo maniwala ka, wag kang mag-alala

Hindi ipipilit pa, iiwasan nang balikan pa

Mga pagkakataong inihahayag ang nadarama.

Oo, ikaw. Di ba’t hindi pa tayo handa.

Sapagkat ang puso nati’y may hihinintay pa.

Mali, tama nga bang ibigin ka?

Hindi mapigilan at kusang kumakawala

Oo, handa ako akong ipaglaban ka, isuko ang natitirang hawak

At itarak sa pusong tila umiiyak sa tuwa

Sa tuwing nakikita ka, at ang mga salitang pinanghahawakan ko, na galing sayo

Na nagsisilbing paalala, upang patuloy pa rin akong bumangon sa aking pagkadapa.

Tama, tama na nga ba? Idadaan nga lang ba sa tula.

Ang pagluha ay palitan ng papel at pluma.

At ika’y isusulat na lang, na tila isang nilalang na kahit kailan, malabo nang matagpuan pa. Oo, malabo, tulad ng iyong paningin, na kahit anong gawin ay hindi mo mapapansin.

Tama, hindi pa nga tayo handa, pero mali, mali na ipagsawalang bahala na lang at ipa-ihip sa hangin, ang aking pagtingin, na kahit tama o mali, ika’y mananatiling, tama sa aking paningin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *