Categories Waiting

Ang hirap maghintay

Madaming beses pinagdudahan ko yung sarili ko kung karapatdapat ba ko sa isang tao. Akala ko noon hindi, kaya hindi ko pinanghahawakan yung sinasabi ng mga nakarelasyon ko dati. Kung mag away o di lang magkaintindihan bitaw agad. Ayos lang masaktan ng isang beses sa isang tao kesa magpakatanga ng paulit ulit kasi pakiramdam ko wala ding kapupuntahan balang araw. Sayang sa oras. Mabuti pang mag risk sa bagong tao. Lagi ko kasi iniisip na baka sya na yung para sa akin. Tapos ayun, sasaktan din ako. Hanggang sa madami na sa listahan, parang wala na kong pakiramdam tuwing may bago nakikita ko nalang agad kung paano at kung ano magiging dahilan ng away na mauuwi sa hiwalayan namin.

Simula ng mga sakit na iyon naisip ko din naman na sana matutunan kong maghintay. Binabaling ko yung sisi sa mga taong pumasok sa buhay ko nang hindi ko iniisip na ako din talaga yung may malaking parte sa sarili kong pagkasira. Pinili kong magmadali kasi akala ko maiiwan na ko ng biyahe ng buhay. Akala ko wala nang para sa akin. Wala nang darating. Takot akong maiwan pero malakas loob kong mangiwan lalo na kung mapaluha na ko ng taong iyon. Ayoko nalang agad kesa mag paulit ulit.

Sa kabilang banda naman iniisip ko din na para sa sarili kong ikasasaya kung magsimula ulit at mukha akong strong independent woman kung kaya ko na mag-isa. Tapos lilipas lang ilang araw o buwan naghahanap na ko ulit ng pansin lalo na kung ang mga kaibigan ko ay may mga karelasyon na din. Mararamdaman ko na namang magisa ako at wala na makakasama. Gusto ko lang ng may nangangamusta sa akin, yung espesyal sa akin. Yung iinit yung mukha ko pag nagtext o kaya chat sya. Kilig! Iyon talaga yung namimiss ko.

Pero sa ibabaw ng lahat ng naramdaman ko ay ang pagiisip na sana matutunan ko pa din ang maghintay… kahit parang huli na, kahit parang mahirap na. Sana matutunan ko pa din.