Ang Laban ng Pusong Umiibig

“ANG LABAN NG PUSONG UMIIBIG”

Pag-ibig ang pinag-ugatan ng puso mong lumalaban
Ang tanong karamihan bakit pa lumalaban
Kung masasaktan din naman
Di ka naman masasaktan kung tama ang pinaglalaban

Tama bang lumaban kung alam mong ikaw ay masusugatan
Mali kasi ang nilaban
Puso ang nilaban na alam mong mahina naman
Tibok ng puso’y pilit mong pinapakinggan
Wag ito pilitin pakinggan dahil matatalo ka dyan
Ang isang bagay na mahina walang panalo dyan

Ang pag-ibig mong pinaglaban na iniwanan ka din naman
Iniwan ka para kumapit sa kanyang pinaglalaban
Iniwanan ang puso mong sugatan na pilit pa din lumalaban
Laban na ikaw na lang ang lumalaban

Tama na ang laban
Maawa ka naman dyan sa puso mong pinaglaruan
Pinaglaruan at di inalagaan
Nadurog man yan may kayang bumuo nyan
Siya lang ang may alam kung pano ayusin yan
Dahil sa Kanya naman talaga yan
Binigay mo lang sa iba na di naman kayang panindigan
Oo Siya nga, Siya na pilit kang pinaglalaban
Para makuha ang puso mong Kanya naman

Anak, yan ang tawag Niya sayo,
Akin na ang puso mo, aayusin Ko
Babaguhin Ko gaya ng nais Ko para sayo
Yung pusong bago na walang bakas ng sugat ng kahapon mo

Anak, ngayong bago na ang puso mo
Gamitin mo yan para sa ikaluluwalhati Ko
Anak, wag kang mapagod magmahal
Dahil yan ang dahilan kung bakit kita pinaglaban
Pag-ibig na Aking pinaglaban simula pa lamang
Yan ang tunay na laban na aking napagtagumpayan

Simula pa lamang iyan anak
Pag-ibig Ko sayo’y walang hanggan
Na ilang beses kong napatunayan
Yan ang puso Ko sayo na kahit nasasaktan patuloy kang minamahal
Pagmamahal na di kayang higitan nino man

Kaya anak, wag mo ng hayaan madungisan ang puso mo
Dahil lang sa maling tibok nito
Tibok na iyong pinakinggan at Ako’y nilayuan
Wag mong hayaan nakawin ng mundo ang puso mong binago
Na magiging singlamig at singtigas ng yelo
Matigas man yan gaya ng yelo
Kaya yan tunawin ng nag-aalab na pag-ibig Ko sayo
Ito ang laban ng puso Ko na walang sawang umiibig sayo.

Exit mobile version