Oo pre! Para sayo to, nasan ka man, at ano man pinagdadaanan mo, realtalk to para madama mo at para naman masampal kita ng katotohanan, charot!

David, Alam mo ba na ang puso mo dapat iniingatan mo din? Yung paalalang “ireserba mo ang oo mo para sa da-one mo” di lang para sa babae yan, hoy, para sayo din yan!

Wag ka munang manligaw.

Wag kang dumamoves,

Wag ka magparamdam,

At wag ka magpakita ng motibo lalo na kung hindi ka naman sure.

David, May freedom to choose ka, bro wag ka mag bulag-bulagan! Nakita mo nang may red-flags si ate ghorl mahal mo pa. Stop hurting your heart kasi hindi ka nilikha para masaktan.

Pero hoy, hindi porke may freedom to choose ka lima lima na pipiliin mo. Ang babaeng para sayo ay hindi madali at hindi naman kasi dapat minamdali, pinaghahandaan yan, yung first move mo jan sa prayer mo ilalaban. Hindi korni yan pramis. Nakakakilig kaya kapag nalaman mong pinagppray ka ng isang tao.

David, hanapin mo muna kalooban ni Lord para sayo. Basic na lang makita si ate girl kapag si Lord inuna mo, kasi hinahanap din niya si Lord.

Your attitude when you’re with the Lord will make you attractive more than ever.

Learn to wait.

Sa panahon kasi ngayon, oo parang kasalanan nang wala kang jowa, na wala kang “girl” diba? Pero ikaw si David! You were made to stand out among the crowd!

Bro wag ka sumabay sa agos, sa trend, na sila ghinost yung nililigawan nila kasi di sila sinagot, e makikighost ka na din. Wag ka gumaya sa iba na palasak na yung excuse “pagod na ko I need space” baka bigwasan kita ng keyboard jan.

Hindi yan laro, na madali mo siyang iiwan kapag ayaw mo na, baka naman.

Walang trial-and-error dito ssob, try mo nalang sa math baka gumana yung ganyan.

Pero aside sa mga sinabi ko, sana alam mong minahal ka ni Lord kaya ka nagkaron ng chance para magmahal ng iba. Sana alam mong pinursue ka Niya kaya mo nagagawang ipursue yung babaeng nililigawan mo ngayon. At sana alam mong hindi ka Niya iniwan kahit na iwanan ka niyan, ni ategirl.

Alam mo ba kung bakit David?

Acts 13:22 – I have found David, the son of Jesse, a man after My own heart, he will do everything I want him to do.

Imagine, a man after God’s own heart! Grabe chills. Di mo ba naman gustuhin maging gaya ni David diba.

Si David marami din yang pinagdaanan sa buhay niya, dumating sa point na hindi na niya marinig si Lord sa buhay niya, pero hindi siya tumigil, may pagkakataong nagkasala siya BIGTIME! Oo pre, legit! Di ka pa naman nakakapatay diba? Siya oo.

Pero sa lahat ng nangyari sa kanya pinili pa rin niya si Lord, at yung the best! Pinili pa rin siya ni Lord kahit ang dami niyang ginawang kalokohan sa buhay niya.

May breakthrough ka din! Antayin mo lang.

Kaya sana kahit gano kadaming bagyo man yung dumaan sa buhay mo, piliin mo pa rin si Lord, kasi Siya pinili ka Niya.

You were handpicked by God Himself, walang pagkakamali sayo.

Pinili ka, hindi ka lalaki lang.