Current Article:

“ANG WAKAS NG NAUDLOT NA UMPISA”

“ANG WAKAS NG NAUDLOT NA UMPISA”
Categories Relationships

“ANG WAKAS NG NAUDLOT NA UMPISA”

Hindi ko alam kung paano ko
Uumpisahan ang tulang ito.
Gaya ng kung paano natapos ang kwentong di pa man nag-uumpisa.
Buntong hininga.
Sa buntong hininga ko na nga lang Mailalahad ang nadarama.
Nakakatuwang balikan ang ala-ala noon.
Ngunit nakakalungkot isipin ito na tayo ngayon, na di na maaari ang ganoon.
Kung paano tayo unang nagkapansinan,
Ganun din tayo ngayon kung paano magiwasan.
Kung paano tayo noon magkwentuhan at tawanan,
Ganun din tayo ngayon kung paanong walang imikan.
Kung paanong magbiruan,
Ay gayun din naman magsawalang pakielamanan.
Ganito na nga lang ba tayo hanggang dulo?
Kung paano natin inumpisahan, ganun nalang din mawawakasan?
Kaibigan, oo, inaamin ko,
Desisyon ko to, pero hindi ba’t ako narin naman ang bumali sating usapan?
Oo, inaamin ko, ako ang unang lumayo,
Pero bakit sa paglapit ko, patuloy ka paring lumalayo? Patawad kung nasaktan kita.
Patawad kung naging makasarili ako.
Kung di ko naisip yung nararamdaman mo,
O yung maaari mong maramdaman.
Patawad.
Patawad kung naduwag ako.
Patawad kung inuna ko yung sasabihin ng ibang tao. Patawad kaibigan.
Patawad.
Ngayo’y wala ng magawa, Ikaw parin ang laging nasa diwa. Di ko alam kung paanong ang sakit ay papawiin, itong nararamdama’y idaraan ko nalang sa awitin.

“Mayroon akong sasabihin sayo
Mayroong nangyaring hindi mo alam.
Ito ay isang lihim, itinagong kay tagal.
Muntik na kitang minahal.
Ngayon ay aaminin ko na,
Na sana nga ay tayong dalawa.
Bawat tanong mo’y iniwasan ko,
Akala ang pag-ibig mo ay di totoo.
Di ko alam kung anong nangyari,
Damdamin ko sayo’y hindi ko nasabi,
Hanggang ang puso mo’y napagod,
Sa paghihintay ng kay tagal.
Ngayon ko lang naisip muntik na kitang minahal.”

Ngayon napapakanta nalang ako.
Ngayon hanggang ala-ala nalang ako.
Ganun siguro talaga yun no?
Maiisip mo nalang pag wala na ang taong mahalaga sayo.