Totoo nga. Talaga ngang nag iiba kana. Sa pagkakataong ito hindi kana nagpapanggap. Tuluyan ka na ngang nanlalamig. Pilit mo na kong iniiwasan. Ikaw nga ay nagbago na.

Mabuti pa sya, palaging kaya mong panindigan. Sa kabila ng lahat kaya mo pa ring ipagsigawan.

Nasasaktan ako. Sobra. Kung alam mo lang kung gaano kahirap. Gaano kabigat sa pakiramdam ang magmahal ng isang taong ni hindi ka kayang ipakilala. Na para kang isang malaking pagkakamali lang at kasalanan. Na nabubuhay ka sa mga pag asang parang wala naman talagang kinabukasan. Sa mga pangarap na parang ikaw lang ang may gustong umabot. Na sa isang iglap, matapos lahat ng ginawa mo at ipinaramdam, hindi pa rin ikaw. Na kahit anong perpekto mo sa mata nya hindi pa rin ikaw yung tipong pipiliin nya.

Gusto kong magmakaawang bumalik ka. Ako ang piliin mo. Pakiusap. Pero wala. Alam kong masasaktan lang lalo ako sa sagot mo. Gusto na kitang makita at makasamang muli. Baka sakali may magawa pa. May magbago pa.