Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Minsan, ang pag-ibig ay mapagbiro,
Dadalhin ka sa taong ayaw mo.
Mapapakamot ka na lang ba’t siya ang dumating sa’yo,
Kahit na kabaligtaran ang iyong gusto.
Tunay ngang may dahilan ang lahat ng bagay,
Baka ikaw ang maging daan sa pagbabago ng kanyang buhay.
Pero kailangan mo pa rin itong kilatising mabuti,
Para masabi mong siya na ang iyong una’t-huli.
Ipagdasal mo pa rin ang taong dumating sa’yo,
Sapagkat alam ni Lord kung ano ang mas makakabuti.
Hawak niya ang panulat upang buuin ang love story mo,
Kaya dapat huwag magmadali.
Madalas, madaya ang puso’t paningin,
Kaya bawat hakbang dapat mong isipin.
Tunay ngang ‘di mo kayang pigilan ang damdamin,
At ‘di mo kayang diktahan kung sino ang iyong pipiliin.
Pero kung si Lord ang pumili,
Kailanman, hindi ka malulugi.
Makikita mo sa kislap ng kanyang mga mata,
Ang ngiting nasa tamang tao ka na.
Ang tanging hiling ko lang sa Kanya,
Masunod ang kalooban Niya sa akin.
Ilapit Niya ako sa taong nakatadhana,
Kung saan buong puso niya akong mamahalin.
Ang itsura ng tao’y maaagnas,
Pero ang mabuting kalooban kailanma’y ‘di lilipas.
‘Di bale ng mabagal ang oras,
Kaysa mabilis nga, napunta ka naman sa maling landas.
Kulang ang isang pahina para isulat ang lahat ng ito,
Basta ang nais ni Lord ang gusto ko.
Araw-araw ko siyang isusulat sa aking libro,
Ang IDEAL MAN ng buhay ko.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required