Kanina napahinto ako. Hindi dahil napagod ako o nawala ang pagmamahal ko. Huminto ako. Huminga. Dinama lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Itinigil ang mundo kong umiikot sa pagmamahal sayo. Isang mundong walang ibang hangad kundi mahalin at mapasaya ka.

Bakit?

Dahil gusto kong bumalik ka. Gusto kong piliin mo ko. Gusto kong bumalik ka sakin at piliing maramdaman ang pagmamahal at alaga ko. Kahit sobrang sakit sakin na makita na siya ang pinipili mo, kahit sinisira ako ng katotohanang mahal mo sya, pipilitin kong walang maramdaman. Para sa ganon bumalik ka. Sa paghabol ko sayo at pagpupumilit na ako yung piliin mo, nawawala ko ung sarili ko. Hindi ito ung minahal mo. Unti unti nawawala ung taong yun dahil nangingibabaw lahat ng sakit ng mga sinabi mo at mga pinapakita mo. Siya ang pinili mo ngayon. At hindi ko na mababago yun. Masyado akong nagiging sabik sa araw na ako yung nakikita ng mata mo. Masyado akong nagmamadali na maramdaman na ako yung mahal mo. Na nakakalimutan ko ang sarili ko at unti unti nawawala ako, yung taong minahal mo. Kailangan kong bigyan ka ng pagkakataon na ako yung hinahanap mo. Na wala ng kung ano ano pang dahilan kung bakit hindi pwedeng ako. Pipilitin ko ang sarili kong hintayin ang „isang araw“ na pinangako mo. At ng sa ganon, pag dumating kana sa araw na yun, buo na tayo. Malaya na tayo. May panahon na para satin. Ikaw lang ang hinihintay ko. Nasa kamay mo ang katuparan ng mga pinangako mo. At kahit alam kong napakadaling makalimot, paniniwalaan ko ang pagmamahal na binigay mo. At alam ko, sa huli, hindi ako mabibigo. Mananatiling sayo, darating rin ang araw na ako yung sapat na para sayo. 

Taympers muna. Hanggang sa makita mo ako.