Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Siguro andito ka pa.
Pero hindi na ako umaasa.
Hindi na nagpapadala.
Dahil umpisa palang wala naman talaga.
Nabulag lang sa akala.
Naniwala sa hinala.
At nagpadala sa dinidikta ng pusong mahina

Ngunit ako’y natuto na
Nahanap na ang sagot sa lahat nang sana
Nakita na kung paano maging masaya
Dahil tanggap ko na
Na hindi tayo para sa isa’t isa
At talagang may mga bagay na ipinagtagpo ngunit di tinadhana

Kaya paalama na sinta
Sa pagibig na maraming pangamba
At ni hindi pa nagsisimula
Ngunit ako ay naniniwala
Na darating ang panahon na masasabi kong wala na.
Wala na talaga.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Send me the best BW Tampal!

* indicates required