Sabi nila, ang mga taong dumarating sa ating buhay ay maaring maging pagpapala o aral sa atin. We feel blessed in their presence and enjoy to be with them. It became a lesson, once they challenge us and leave a big impact to our hearts that sometimes it causes pain and heartaches.
May taong darating at masasabi mong isang blessing, dahil nagdudulot siya ng saya sa puso mong minsang nabalot ng lungkot. Minsan masasabi mo, “Ito na yun Lord, ang sagot sa panalangin ko.” Naging masaya ka sa ilang araw na nariyan ang kanyang presensya, na wari bang okay ang lahat, basta’t nandiyan siya. It was a great blessing indeed that you cherished and wrapped in your arms.
Pero, minsan ang pagpapala na minsang ating niyakap at inangkin ay magiiwan pala ng isang malaking aral sa ating buhay.
May taong darating at masasabi mong isang aral, dahil minsan man siyang nagbigay saya sayo, at minsang pinawi ang lungkot mo, maaari din pala itong magdulot ng matinding lungkot at ipaunawa na hindi lahat ng saya ay sa kanya mo makukuha. Masasabi mo, “Lord, hindi man siya ang sagot, siya naman ang daan patungo sa talagang panalangin ko.” Nawala man ang kanyang presensya, maaari ka pa rin namang magpatuloy at ang lahat ay iyong makakaya. It was a great blessing indeed that you once cherished and wrapped in your arms, but now a lesson that has taught you everything in life.
AMMP- Aral Mula sa Minsang Pagpapala