Current Article:

Are You a Victim of “Mahal Kita Pero…”?

Categories Relationships

Are You a Victim of “Mahal Kita Pero…”?

“Mahal kita pero.. i’m still inlove with my ex..”

“Mahal kita pero.. hindi pa ako handa..”

“Mahal kita pero.. you deserve someone better. .”

“Mahal kita pero.. marami pa akong gustong gawin sa buhay ko..”

“Mahal kita pero.. i don’t deserve you..”

“Mahal kita pero.. kailangan ako ng pamilya ko..”

“Mahal kita pero.. naguguluhan ako, i need to find myself muna..”

“Mahal kita pero.. ayoko na, pagod na ako, suko na ako..”

Ilang beses mo na bang narinig ‘to? ‘Yung mahal ka sa salita ngunit hindi sa gawa. In other words, mahal ka niya pero hindi ikaw ang pinili niya. May mga sitwasyon na naiintindihan mo naman, pero meron ding hindi mo maintindihan. Hindi mo maintindihan kung bakit sumuko siya sa kabila ng mga pinagsamahan niyo. Kahit alam mong marami siyang plano at mga pangarap ay nalaman mong hindi ka pala kasali sa mga plano at pangarap niya. At ang ending ay natanong mo ang iyong sarili, “May kulang ba sa akin? May mali ba sa akin? Deserve ko ba ang hindi piliin niya kasi ganito ako at hindi ako ganyan?” Masakit, talagang masakit ang marinig sa taong mahal mo at taong pinili mo na mahal ka niya ngunit may isang “PERO”. Mahal ka niya pero may dahilan siya na bitawan at iwan ka. Mahal ka niya pero may ibang mas mahalaga sa buhay niya kaysa sa’yo. At dahil mahal mo siya, ‘yung pagmamahal mo sa kanya ay SELFLESS, ay binigay mo ang kalayaan na gusto niya. Marahil ay hindi pa nga ito ang tamang panahon para sa inyong dalawa. O baka nga ay hindi siya ang tamang tao para sa’yo. Ang mahalaga ay minahal mo siya ng TOTOO. Marahil ay may paghihinayang ka o pagsisisi, pero NATUTO ka at PINILING BUMANGON. Kahit hindi man ikaw ang pinili niya ngayon, sana piliin mong pahalagahan ang sarili mo. Maraming beses ka man makaranas at makarinig ng “Mahal kita PERO..” o “I Love you BUT”, you are still deserving of a LOVE Without The “BUT’s”.

Darating ang TAMANG PANAHON at TAMANG TAO na mamahalin ka ng WALANG ‘PERO’ ngunit MAY ‘KAHIT’. Sasabihin niya na “Mahal kita KAHIT ganyan ka”, “Mahal kita KAHIT ayaw nila sa’yo”, “Mahal kita KAHIT anong mangyari, hindi kiya iiwan” at kaya niyang panindigan ang mga sinabi niya. YOU JUST WAIT and PRAY FOR IT. YOU JUST HAVE TO TRUST GOD’s TIME and WILL. Remember that you deserve a Love without the “But’s”, yet a Love with the “EVEN IF’s”. You are worth loving for.