Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Maraming sumubok paghiwalayin tayo,
Ngunit ang pagmamahal ko sayo’y totoo.
Maraming beses kitang nasaktan
Ngunit ilang beses akong tinanggap ng walang pag-aalinlangan.

Nakagawa man noon ng kalokohan
Hindi iyon rason upang ika’y kalimutan
Handang mangakong ikaw lamang hanggang dulo
Basta’t mahalin mo ako ng totoo.

Marami man akong kaagaw sayo,
Pagmamahal ko nama’y hindi magbabago
Libutin mo man ang mundo
Wala kang makikitang katulad ko.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Marami man akong pagkukulang sayo
Sana’y ako’y pagpasensiyahan mo
Kaya’t mahal iyong tandaan
Ang mga pagsubok na ito’y sukatan sa ating pagmamahalan.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required