Nagsimula ang lahat sa isang pag-uusap. Pag-uusap na sa pakiramdam ko naman ay may patutunguhan. Hindi pa kita masyadong kilala pero ang lalim ng connection ko sa’yo. Feeling ko yung kilig ko wala nang katapusan kasi paulit-ulit ko namang nararamdaman na ikaw ay nandiyan. Pinaramdam mo na special ako. Parang nasa akin lang lagi ang atensyon mo. I have always been a strong woman. Nasanay na ako na walang inaasahan, pero sa’yo lang ulit ako umasa. Hindi ko rin ma-gets yung nararamdaman ko. Bakit ba hindi natin magawang linawin kung ano ba talaga tayo? Isang relasyon na ubod ng labo at baka sa huli, ako rin ang talo.

Sa una akala ko kaya ko. Pero habang tumatagal, I long for more. Naghihintay ng messages mo. Nag-aabang ng posts mo. Naghihintay ng effort mo. Umaasa na umamin ka at may pag-asa tayo. Pero wala akong napala. Magulo pala talaga ang pinasok ko. Hanggang kailan ba ako mag-aabang sa’yo?

Hanggang sa lahat ay nagbago na noong nalaman mo na ako ay seryoso na. Pero sa’yo pala ay wala lang. I can’t blame you. And I never will. Alam ko naman na ginusto ko ito. Kasi ako lang yung may inasahan at hindi ko agad nalaman na magkaiba pala tayo ng nararamdaman. To you, I’m just a special friend. Someone you could trust. Someone who could understand you. Someone to talk to. Pero ako, hulog na hulog na sa’yo. Wala nga lang sumalo.

Kaya paalam, sa muntik nang maging tadhana ko. Sa taong ginusto ko. Sa taong pinangarap ko. Muntik nang maging tayo. Pero hanggang dito na lang pala ito. I am tired of waiting for progress. I’m tired of games and confusion. Mula ngayon, matututo akong maghintay ng taong sa una pa lang ay ginusto na rin ako. Hindi na ako magpapalito. Hindi na muli magpapatalo sa maling emosyon. Kailangang tanggapin na baka nga hanggang dito na lang tayo.