SHADOW

1070

SHADOW

Shadow- ito ay itim na imahe (a dark image) na nabubuo kapag ang anumang bagay ay natamaan ng liwanag. Tumapat ka sa liwanag at makikita mo sa likod mo yung shadow mo o anino. Noong bata ako, takot ako sa anino ko, kasi nakikita kong sumusunod ito kung saan man ako pumunta, pero noong nalaman ko na kung ano ito ay nawala na yung takot ko, at ngayon kapag nakakakita ako ng batang natatakot sa anino, naaalala ko ang sarili ko dati.

Naisip ko, kapag nalaman mo yung kinatatakutan mo e isang simpleng anino lang pala ay malamang mawawala yung takot mo. Natural na may anino, ang hindi natural ay ang takot sa anino.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Ang takot ay number 1 enemy ng tao, gusto nating kalabanin ang ating mga takot. ang pangit nga naman kasi kapag may takot tayo sa mga bagay bagay sa paligid, there is a lot of names of fear, i-search nyo names of fear, madaming lalabas,

Tulad ko, may fear of heights ako, ayoko sa matataas, nalulula ako nang sobra, kaya nga never pa kong nakakasakay sa mga rides e, kahit noong nakaraang linggo pumunta kami ng enchanted kingdom, ako lang talaga ang hindi sumakay, sayang yung rides all you can ko, (so what! e I CAN’T e, sa filipino nun -sumakay ka sa lahat ng KAYA MO! e hindi ko kaya) well, libre naman nila yun. Ang dahilan ko na lang sa mga kasama ko ay masakit ulo ko. kaya ayun, naging tagabitbit na lang ako ng mga gamit nila. pero sabi nila para mawala daw yung takot ko sa matataas ay kailangan kong harapin ang takot ko, dapat as long as na kinatatakutan mong umakyat sa matataas dapat kang umakyat sa matataas para masanay ka at mawala na ang takot mo.

Anyway, may nabasa lang ako na isang scripture about sa Fear, and that is the fear of the past.

Karamihan sa atin ay may fear of the past, may kinatatakutan sa mga nakaraan, kahit bata, matanda, lalaki o babae ay nakaranas nito. At walang taong hindi nagkaroon nito. wait, yung shadow pala ay pwede rin nating sabihing our past, naganap na o kaya multo ng ating nakaraan, masasamang nangyari sa buhay natin. Clear na ba yun??

Sabi dun, there are 4 types of shadow of the past:

  1. Fear of the Bad Things you have done in your past.

-fear of the wrong things that you have done in your past that confuses or troubles you at the present time, or some says it is a karmaic reaction of our bad deeds. Wala naman sigurong taong hindi nakagawa ng bad? I admit, marami akong nagawang bad sa buhay ko.

Noong 4 years old ako nun, natakot ako lumabas ng banyo, nasa loob ako ng CR. katok sila nang katok sa pinto ng Cr, pero hindi ko binubuksan, natatakot akong makita nila ang nagawa ko, nagulat na lang ako nang biglang bumukas ang pinto at ayun, nakita nila yung nagkalat na dumi sa paligid ng Cr, hanggang sa flooring ang dumi talaga. Yacky yun,

Naalala ko, I lie to my neighbor, natakot ako na baka malaman niyang ako yung nagpakain sa tuta nila na chuwawa na namatay na lang bigla, pinakain ko pa naman yun ng natira naming ulam na pork adobo, sayang naman kung itatapon kaya ibinigay ko na lang sa aso. Hindi ko naman alam na babara yung buto ng baboy dun sa lalamunan nung aso. Sumalangit nawa ang kaluluwa nun.  I never confess to my neighbor, kahit na hanggang ngayon binabayaran ko parin ang kapit bahay namin na si Burnok para manatiling lihim ang aking lihim, si Burnok kasi ang kaisa-isang star witness sa nagawa ko. Sana itigil niya na ang pamba-black-mail niya sakin. (Feeling ko minumulto ako tuwing madaling araw nung chuwawang iyon. sana feeling ko lang yun).

Nagdudulot ng takot sa atin ang mga nagagawa nating mali, dahil sabi nga, anumang itinanim mo ay siyang aanihin mo.

Nagtanim ka ng masama, malamang may masamang balik yan sayo -That’s the law of karma. Naalala ko tuloy yung librong nabili ko sa booksale, 150 pesos yun pero nabili ko lang ng 20 pesos, dahil sa tag price na madaling natatanggal. anlaki ng nabawas sakin… pero ang masakit nun, pag-uwi ko naman, nadukot yung wallet ko na may lamang 200 pesos, mas malaki yung nawala. Ewan ko ba, paano kaya kung binili ko na lang yung libro nang 150 at hindi ko na naisipang ipagpalit yung tag price nung isa pang libro na 20 pesos, hindi kaya ako madudukutan??

I have a yogist family and they are so much aware about karmaic reaction, at nakatutuwa ang bagay na iyon, yung tipong dahil sa takot na makarma ka ng anumang masamang gagawin mo ay nakakaiwas kang gumawa ng masama.

  1. the fear of the bad experience.

yung takot sa mga masasamang naexperience mo, halimbawa nung bata ka nakaranas ka ng pagmamaltrato. kaya may trauma ka sa mga ganung karanasan at ayaw mong maulit yun, natatakot ka tuwing naaalala ang mapait na nakaraan na yun.

Nakaranas kang magkasakit, halimbawa gumaling na canser- tapos hindi mo na maiwasang isipin na baka bumalik yung cancer na yun, may tumubong bukol sa mukha mo -nasa isip mo canser na agad -kahit na tagyawat lang yun.

You keep on saying and anticipating the bad experience na karaniwang humahantong sa mga fear natin sa buhay, nakaranas kang makagat ng aso -kaya ayaw mo nang makakita ng aso, na kapag nakakakita ka ng aso kinakagat mo, kasi takot kang baka makagat ka! hehe joke lang!

kala mo lahat ng kahawig ng ex mo e manloloko, kaya you fear them. you judge them na hindi sila gagawa ng mabuti sayo. Results, you always fear their shadow.

  1. Fear of the emotional pain.

-ito naman yung takot na baka masaktan uli, you feel being rejected or cheated by someone in your past, at kaya hanggang sa present kinatatakutan mong ma-cheat uli o ma-reject.

May nakilala akong matanda, ang pangalan niya felimon, tumandang nag-iisa ang lalaking ito, yung dapat kasing pakakasalan niya ay itinanan ng iba, since then hindi na daw siya nagbalak umibig uli, o pinigilan niya na ang sarili na umibig uli, kasi nga natatakot siyang maulit ang dating sakit na iwanan.

gaya nang sobra mong minahal tapos niloko ka lang, kaya ngayon ayaw mo na talagang magmahal. kapag ito ang nararanasan natin, isa pang naidudulot nito ay ang lost of capability to forgive, ang hirap na nating magpatawad. kasi nga takot na tayo na baka kapag nagpatawad ka, lolokohin ka uli, kapag nagtiwala ka e bibiguin ka lang uli.

 4. fear of the past failure

-karaniwan ito sa mga goals natin sa buhay, literal dreams natin. halimbawa pagkabigo sa negosyo, sa own business. you raise your own business, kaya lang hindi pumatok -1 mistake, give up na agad. Sobra kasi yung fear sa mistakes, masakit mabigo, given na yun.

Masakit nga namang masaktan, at kapag naulit at paulit -ulit kang nasasaktan sa parehong dahilan  ay parang antanga na natin nun. pero ang sakit ay hindi dapat maging dahilan ng ating paghinto, we feel pain para magkaroon ka ng strength to endure challenges  and battles in life. lahat naman kasi ng labanan, talagang kailangan mong lumaban para magtagumpay ka, nandiyan yung masasaktan ka talaga o masusugatan ka. pero okay lang yun, natural yun na masugatan sa ating mga labanan sa buhay, pero gumagaling naman ang sugat di ba??

     kasi ang katawan natin ay may own tissue na kayang pagalingin yung sugat, kahit na hindi mo lapatan ng treatment. Isipin mo nga yung mga bata sa lansangan, pag nasugatan sila hindi naman nila karaniwang dinadala sa doktor o iniinuman ng kung anung gamot yung sugat nila, kasi gastos lang yun at wala silang budget para dun, kaya hinahayaan nilang kusang gumaling yun.

Isa pa, time can heal your wounds sabi nga ng iba. Ngayon kung mainipin ka, at hindi mo trip ang paghihintay… punta ka sa doktor.

Kung may mga bad past ka, okay lang yan, di mo dapat katakutan o gawing dahilan yan ng paghinto. sabi nga, walang nananalong umaatras o humihinto sa laban. kung tinuldukan mo na yung sarili mo dahil lang sa takot na baka hindi na naman mag-succeed, baka mabigo ka na naman. Well, that is a natural state of man’s life, sometimes we need to feel pain to be able to learn, to endure hardships and to realize our mistakes. gaya nga ng nabasa ko, isipin mo na lang kung walang pain, ano kayang mangyayari –> try mo idikit sa apoy yung kamay mo, kung hindi ka nakakaramdam ng pain, siguro tutong na lahat-lahat yung kamay mo pero di mo parin napapansin, masusunog ka na pero dahil hindi mo naman maramdaman yung sakit e  hindi ka iiwas sa apoy. Pain give us this quick reaction to escape or avoid worse case. Sa tagalog, Babala: bawal tumawid nakamamatay.

Sa love kapag there is pain, pause for a while… dapat walang pain ang love if that is true love, e kapag nakakasakal na at nakakasakit na yung tinatawag na love na yan, stop ka na muna, wait lang, tanungin mo sarili mo kung love pa nga kaya ito??

SEE how we face the fact that we fear about our past.

pero sabi nga di ba, PAST IS PAST.

Ang nakalipas ay nakalipas na at dapat na lang kalimutan, o kung ayaw mong kalimutan, wag mo na lang katakutan. They are all done and gone. Kapag nalaman mong anino lang yan ng masamang pangyayari sa buhay mo, dapat hindi ka na takot, dapat na harapin mo. At gaya ng sinabi ko nung una, ang anino ay itim na imahe (a dark image) na nabubuo kapag ang anumang bagay ay natamaan ng liwanag. Tumapat ka sa may liwanag at makikita mo sa likod mo yung shadow mo.

Ang problema kung bakit tayo natatakot sa anino na ito ay dahil sa nakaharap tayo sa anino, hindi doon sa liwanag. We must to face to our present, forget the past.

Ngayon nalaman ko na kung bakit noong bata ako, takot ako sa anino ko, hindi lang dahil sa sumusunod ito sa akin kung saan man ako pumunta kundi dahil bata pa ako nun, at hindi ko pa nalalaman ang mga bagay-bagay. Being matured is one of the key to be fearless on our dark shadows.

Meanwhile, mayroon namang 2 shadows you must have.

dapat ito yung meron ka imbes na sa bad experience ka nakaharap o kung ano mang kinatatakutan mo -dapat ito na lang.

Ang isipin mo o ang dapat na magkaroon ka ay ang dalawang ito:

  1. The shadow of experience with God.

-anything good is a gift from God, if that is bad that’s not by God. Kung yung shadow ay tumutukoy sa mga past experiences natin, ibig sabihin ng the shadow of experiences with God is about good experiences in life. Isipin mo yung mga mabubuting bagay na nangyari sayo o ginawa sayo ng Diyos, mayroon yan. Kasi kung wala, parang ang perfect naman ng buhay mo, perfectly bad. e sabi nga di ba, nobody is perfect.

Iyan ang dapat nating tignan, yung mga shadow of good deeds with God, mga miracle sa atin ng Diyos ang lagi mong isipin. I-Meditate ang mga miracles na ginawa sayo ng Diyos.

Sabi nila manakawan ka na, wag ka lang masunugan kasi mas panget yun, isipin mo kapag nasunugan ka, lahat ng mga gamit mo magiging abo -hindi na mapapakinabangan. Pero kapag nanakawan ka, mapapakinabangan ng nagnakaw yung gamit mo e di nakatulong ka pa sa tao and that is good deeds in some way sa part mo. Last year lang hindi kami nanakawan, nasunugan kami -included other 70 family, nakakatakot talagang masunugan, napakapanget na experience yun, pero kung iisipn ko lagi yung panget na nangyari dun nakakadown lang e, naiiyak ako at nasisisi ko kung sino-sino, ang worst sisihin mo si God, pero naisip ko nasunugan lang kami, atleast  walang namatay samin, atleast nagkaroon ng sense of care yung buong community samin that time na ang lakas lakas ng apoy, na dati naman walang pakilamanan kaming mga magkakapitbahay; atleast hindi kami nanakawan at hindi maiistress masyado kakasumpa doon sa walang hiyang hudas na nagnakaw ng mga gamit namin! kasi nga di kami nanakawan nasunugan lang ;atleast mapapalitan ng bagong gamit ang mga nawala, yung bulok naming t.v maiisipan nang palitan; atleast nawala yung kinaiinisan ko gabi-gabi at dahilang ng hindi ko pagtulog nang maayos -dahil kasamang natupok sa apoy ang mga walang hiyang surot sa bahay namin. Anak ng surot talaga, naisip ko, madaming nangyaring magagandang pangyayari sa buhay ko after that suffering, iyon ang binibilang ko. Count your blessings, instant relief yan, promise.

Imposible namang walang mabuting ginawa sayo si God, yung simpleng paggawa sayo ni God. Yung pagkabuhay mo sa mundong ito- mabuting experience yun di ba?

Maraming mga fetus na iniiwan lang sa tabi-tabi, kasi nga inaabanduna at pinaaabort ng nanay, sayang yung mga fetus na yun na kung sana ay nabuhay, bagamat makakaranas ng problema sa buhay atleast ay naranasan niyang mabuhay.

Ikaw buhay ka, maraming mga tao na kapag namommroblema e mabilis bumibigay -yung iba nagsusuicide, yung iba sinisira na lang yung buhay. kung nakagawa ka ng mali, may pagkakataon ka pang itama ito by doing right at your life today dahil hindi pa binabawi sayo ng Diyos ang pagkakataon.

Meditate for the goodness of God, yung ikaw ay makakilala sa Diyos, na buti ka pa may Diyos na kapag nangangailangan ka at kapag parang di mo na kaya ay maaalala mo na may Diyos na handang tumulong sayo at hindi mo kailangang mawalan ng pag-asa.

Huwag ka kasing palaging nakaharap sa likuran mo, sa iyong mga masasamang nakaraan, sa pagkatakot sa mga bad past experience mo, kasi nga bad nga iyon e, hindi ito magdudulot sayo ng ikabubuti mo. kapag palagi kang nakaharap sa panget, hindi yun magiging maganda sayo, kasi nga ampanget nun. Face to the lights which is the reason why there is the shadows. Naalala mo, kung bakit may shadow ay dahil sa lights, bad shadows man yun ay light parin ang dahilan. Sa buhay natin kahit may mga masasamang pangyayari, si God parin ang puno’t dulo -binigyan ka niya ng trials o pagsubok para maitest ka niya, at para din maipakit ng Diyos ang kapangyarihan niya, ang kanyang liwanag. Sa Diyos ka magfocus, wag dun sa dark shadow of your past.

  1. The Shadow of Good things you’ve done in the past.

-ito yung mga bagay na ginawa mo sa past, doon ka dapat nakatingin. Gaya ng sabi ko, nakagagawa tayo ng masama, oo! pero hindi naman ibig sabihin nun e puro masama lang ang nagawa natin, mayroon kang magagandang experiences sa buhay mo -yung mga nagawa mong maganda, yun dapat ang itinatago natin o doon tayo dapat nakatingin.

kahit na nabigo ka sa pag-ibig, wag kang tumingin dun sa iyong pagkabigo kundi doon karanasan mo habang umiibig ka.

Hindi lahat ng shadow ay nakakatakot, there is a good shadow sa buhay natin. Isipin mo yung malaking puno sa gitna ng tirik na tirik na araw, di ba nagbibigay ng lilim yung nabubuo niyang shadow?

sa buhay natin may ganito tayo, na yung mga shadow natin ay nagsisilbing lilim at nagdudulot ng maganda sa ibang tao.

Isa akong guro, nagtuturo ako sa isang paaralan, yung karanasan kong iyon ay may magandang dulot sa iba, dahil good shadow yun. Natuturuan ko ang mga estudyante ko at natututo din ako sa mga estudyante ko. (sana nga may natuturo akong maganda sa kanila :)hehe )

Our good deed is our capital. Mag-ipon ka nang mag-ipon ng mga good deeds dahil unang una maganda ito kasi nga good deeds yun, ikalawa maganda ang balik niyan sayo. Good karmaic reaction, halimbawa nagbigay ka ng tulong sa iba, darating ang araw may mga taong tutulog din sayo. Remember king Ezecaia’s prayer to God nung malapit na siyang mawalan ng pag-asa, nung panahong mamamatay na siya, sabi niya “Lord, remember me now, I walk with your righteousnes,” pwede rin pala yung ganun, marapat lang siya para sa hinihintay na magandang bunga dahil may maganda naman siyang naitanim. After nito, dininig siya ni God at inextend yung buhay niya ng 15 years pa. (2kings20.3)

okay lang yung ganito, pero wag kang magbibigay dahil sa inaasahan mo lang na kapalit, give because it is a good thing to do, do good because it is right.

Hanggang nabubuhay ang tao, makakaranas siya ng mgaraming karanasan sa buhay. Ngayon pipili ka na lang kung anong klaseng shadow o past ang gusto mong gawin, tandaan mo yung law of karma, what you saw is what you reap. kung puro masama ang ginagawa mo sa buhay mo e di puro masama ang magiging nakaraan mo, pero kung puro mabuti ang ginagawa mo sa iyong present, ang mga past mo ay magiging maganda. Wala kang magiging dark shadows na kakatakutan mo balang araw.

Ayusin mo yung present mo, magiging maayos din ang iyong past at syempre magiging mas maayos ang future mo.

Dahil diyan may iiwan lang akong isang tula:

Shadow

by donfelimonposerio

Everytime the dark take its route

by the ocean of the sky and stars road

my heart was filled with solemn mood

speechless cries, doing naught I could

Shadow of the past running through my veins

The weight of wounds seems tragically untraced

though it’s been a years that fades as rain

that nothing can wash this feeling at pain

Pushing to forget was so hard to do

with the one whom you love so true

to your heart the strength have been tried to cope

even though you are losting your hope

Can’t stop the feeling of blaming inself

moreover this pain is because of you

even if you don’t meant or you didn’t knew

the shadow means to leave the old views.

-033009

/JC-tgbtg

Send me the best BW Tampal!

* indicates required