Sa tuwing maiisip kita,
Lumbay makikita sa aking mga mata.
Ang limutin ka’y hindi basta basta,
Masasayang alaala’y laging nagugunita.
Gusto na kitang kalimutan,
Ngunit wala akong maisip na paraan.
Oh kay hirap mong palitan,
Dahil sa taglay mong kabutihan.
‘Di ko magawang sayo ay magalit,
Ni wala akong makitang ibang sa’yo’y maipapalit.
Sarili ko’y ayaw kong sa’yo ay ipilit,
Pero pinagdarasal pa rin kita sa bawat saglit.
Dapat na ba talaga kitang limutin?
Ngunit paano? Puso’y ‘di ko kayang pilitin.
Ayaw na kitang isipin,
Pero sarili’y di ko kayang dayain.
Ayaw ko na!
Oo, ayaw ko na pero gusto pa rin kita.
Ayaw ko na,
Pero alam kong sa huli, hihintayin pa rin kita.
Current Article: