Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

BABAE! Buhay mo ay parang Papel at tinta Papel na sumisimbolo ng buhay kung saan itinatala bawat istorya. Istorya ng paglaban at paglaya. Istorya ng pagbangon at pag-gawa. Istorya ng paghayo at pag-asa. Ang tinta na ginagamit upang maging marka ng pagkakaisa. Marka na nagbibigay buhay sa nawawalan ng pag asa. Marka na nagbibigay kulay sa mundong puno ng dilim at kawalan ng sigla. Marka na nagpapahayag may babaeng handang ipaglaban ka. At sa papamagitan ng malikhaing pag-gawa makakagawa ng isang obra. Obra na nagpapahayag ng pagmamahal at sumisigaw para sa tunay na paglaya. Babae ka! Hindi babae lang!

Send me the best BW Tampal!

* indicates required