Bagong Kabanata
Categories Poetry

Bagong Kabanata

Nang ikaw ay makilala diko lubusang insahan na ikaw ay mapapalapit sa aking puso. Na habang dumadaan ang mga araw, tuwing maririnig ko ang pangalan mo ay nagsisilbing musika na napakasarap ulit-ulitin na pakinggan.

Sa tuwing binabasa ko ang bawat salita na iyong binibigkas ay di mawari kung saan nanggaling ang bawat ngiti sa akin’g labi, na para bang sinasabi ng isip ko”sana tumigil nalang ang oras”.

Ang mga sugat ng kahapon ay nagsilbing kapeng barako na hindi nagpapatulog sa gabi ay unti-unti ng naghilom at naging karagdagang insperasyon. At sa bawat umaga nuo’y hindi matapos-tapos na pag-iyak ay unti-unti nang natuyo at ang mga luhang yun ay nagmistulang ala-ala na lamang ng mapait na kahapon.

Ang mga pinagdaanan natin’g yun ay marahil nagsilbing takot sati’n upang isara ang mundo sa ibang tao at wala mang kasiguraduhan sa kabila ng mga salitang “ikaw, ako at tayo” basta ikaw yung uri ng tula na ayaw kung simulan dahil, ayaw ko rin ng katapusan.

Hindi ko man alam at hindi ko man nakikita ang mga susunod na araw basta alam ko at sigurado ako na masaya akon’g nakilala kita. Dala-dala mo ang mga positibong pananaw na unti-unti kung nailalagay sa’king isipan, unti-unti kung naramdaman na maitama ang lahat ng inakala kung mali. Minulat mo ang aking mga mata upang makita ang mga bagay na hindi ko makita noong mga nakaraang araw, buwan at taon.

At sa pagtatapos ng isinulat kung ito, nais ko ring magsimula ng bagong kabanata kasama ang mga bagong tao sa akin’g buhay na alam ko na isa na sila sa dahilan kung bakit ako gumigising na may ngiti sa akin’g mga labi…

Leave a Reply