Bakit ganito ang mundo?

Hindi ka gusto ng gusto mo

May nagmamahal sayo

Pero iba ang minamahal mo

Ikaw ang laman ng puso ko

Pero hindi ako ang sayo

 

Bakit ganito ang mundo

Ang hirap gustuhin ng hindi mo gusto

Mahirap kahit ipilit mo

Masakit kasi pinipilit mo

Pero kahit anong gawin mo

‘Di mo mabago ang puso mo

 

Bakit ganito ang mundo

Gusto kita, gusto mo siya

Masakit makitang gusto mo siya

Pero mas masakit makitang nasasaktan ka

Dahil ang gusto mo’y may gusto ring iba

Masakit dahil siya pa rin ang gusto mong kasama

Kahit pa meron na siyang kinakasama