Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Iniisip ko noon na kapag binitawan kita, baka mas lumigaya ka. Hindi ko inisip sarili kong kaligayahan na makasama ka pa nang mas matagal kasi inisip ko na baka mas maging maganda buhay mo kapag wala ako.

Bawat musika, lugar, bagay at salita na naririnig at nakikita ko, bumabalik lahat ng alaala. Masakit, mabigat, pero wala nang magagawa. Noong panahong bumibitaw ako, hindi mo ako pinakawalan. Pero noong ikaw na bumitaw, hinayaan mo nalang na parang wala akong karapatang pigilan ka. Sino nga ba naman ako?

Ngayong malaya ka na, sana, sana pahalagahan mo ang buhay. Hindi lahat ng taong kasama mo sa kung nasaan ka man ngayon ay laging nandyan para sayo. Nawala man ako sa buhay mo, sana hindi mo nakalimutan ang mga bagay na naituro ko sayo at natulong ko sa pagkatao mo. Kahit na may poot diyan sa puso mo, andito parin ako bilang kaibigan mo.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Send me the best BW Tampal!

* indicates required