Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Mahal kita pero ano nga ba talaga tayo?

Tuwing inaalala ko mga panahong magkasama tayo, ngiti ang palaging nagiging hugis ng aking mga labi.

Yung mga oras na magkahawak tayo ng kamay, mundo’y parang tumitigil at lahat nagkakaroon ng saysay.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Mahalaga ka sakin at ako’y mahalaga sa’yo.

Ngunit ano nga ba talaga tayo?

Hindi na lang basta magkaibigan, ngunit hindi rin magkasintahan.

Walang commitment pero magkausap araw-araw.

Umaga gabi, ikaw una’t huli pumapasok sa aking isip.

Ang dating matatamis na ala-ala ngayo’y kinakatakutang maging mapait.

Sapagkat meron akong isang tanong na maaaring tuluyang magpalaho sa kung ano man ang meron tayo.

Mahal kita pero mahal mo rin ba talaga ako?

Kung oo, klaruhin natin ‘to. Para hindi tuluyang maguluhan at gumuho ang aking puso.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required